‘I don’t feel 53′: Alice Dixson, Ibinahagi ang Sikreto Upang Mapanatili ang kanyang Walang Kupas na Kagandahan at Kaseksihan

Ang edad nga ang nagiging basehan natin kadalasan ng hitsura ng isang tao, kung batang tingnan o kaya naman ay talagang may edad na. Ngunit, may mga pagkakataon naman na hindi alintana ang edad sa panlabas na anyo. Ito nga ay dahil, may mga tao na tila hindi tumatanda at nananatili parin ang kabataan at magandang pangangatawan sa kabila ng kanilang edad.




Katulad na lamang ng batikang aktres na si Alice Dixson na 53 taong gulang na ngayon. At ang edad niya na ito, ay hindi niya ikinakahiya, bagkus ay ipinagmamalaki pa ng aktres. Kahit nga 53 na, ay talaga namang bata paring tingnan si Alice na tila hindi tumatanda at nananatili parin ang kanyang walang kupas na kagandahan.

Isa nga si Alice ay hinahangaan ng publiko dahil sa taglay niyang kagandahan at fit na katawan kahit may edad na. Kaya naman, marami sa kanyang mga tagahanga ay nais malaman kung ano nga ba ang sikreto ng aktres upang mapanatili ang maganda at batang mukha, maging ang kanyang seksing katawan at makinis na balat.

Dahil dito, ay ibinahagi ni Alice sa Instagram ang kanyang sikreto ng pananatili ng kanyang walang kupas na kagandahan. Proud na ibinahagi ng aktres ang mga larawan at video ng activities na kanyang ginagawa. Naging aktibo na rin ang aktres sa vlogging kung saan ay gumawa narin ng sariling Youtube Channel upang mas lalo pa niyang mabigyan ng update ang kanyang mga tagahanga patungkol sa buhay niya.


Samantala, masayang ibinahagi ni Alice sa Instagram na ang isa nga sa dahilan ng kanyang walang kupas na kagandahan ay ang pagbibilad sa ilalim ng araw tuwing umaga. Sa paraang ito, ay nakakakuha ang aktres ng bitamina upang manatiling makinis ang kanyang balat upang maging batang tingnan.




“Even if not at beach, u can get your free dose of Vitamin D from the morning. Take advantage of this offer while supplies last!”

Malaki naman talaga ang naitutulong ng sikat ng araw tuwing umaga sa ating kalusugan dahil ito’y nagbibigay ng Vitamin D na kung saan ay hindi lamang nagpapaganda at nakakapagpakinis sa ating balat, kundi nakakapagpalakas rin ng mga buto at muscles. Isa rin sa benepisyo nito, ay ang pagkakaroon ng malakas ng immune system upang malabanan ang anumang uri ng sakit.

Taong 1987 nang pasukin ni Alice ang mundo ng showbiz, na noon palang ay agaw-pansin na ang kanyang kagandahan. At sa pagdaan nga ng panahon, ay tila naman hindi nadadagdagan ang edad ng aktres, dahil sa pananatili ng kanyang walang kupas na kagandahan. Tunay nga, na talagang minahal at inalagaan ng aktres ang kanyang sarili at kalusugan.