“Hindi ako kasing yaman tulad ng iniisip niyo” Ang Naging Pag-Amin ni Kris Aquino sa Isa sa mga Naging Katanungan sa Kanya ng mga Netizens

Mayroon na ngang bali-balita ngayon na muling magbabalik sa telebisyon ang binansagang Queen of All-Media ng telebisyon na si Kris Aquino. Tila naman ang balitang ito ay tunay, dahil sa muling nagpapakilala si Kris sa madlang pipol.

Nito nga lamang naakaraan, ay nagbahagi ang Queen of All-Media na si Kris Aquino ng kanyang larawan sa kanyang IG account, kung saan dito ay muli siyang nagpakilala sa madla, at kasabay pa nga nito ay mayroon siyang paandar sa kanyang social media account na Q&A portion.

Photo credits: Kris Aquino | Instagram




Kalakip ng larawan na ibinahagi ni Kri sa kanyang IG account ay ang caption na;

“Hi, I’d like to reintroduce myself to all of you.. My name is Kris Aquino, full name is Kristina Bernadette Cojuangco Aquino. I’m the youngest of the 5 children of Ninoy and Cory Aquino. And I’m the mom of Josh and Bimb.

Photo credits: Kris Aquino | Instagram

Idinagdag pa ni Kris sa kanyang caption na, kung may mga nais itanong sa kanya ang mga netizens ay maaari itong magtanong tungkol sa kung ano ang mga nais ng mga itong malaman, at ito ay kanyang sasagutin ng tunay at nararapat.

“If you feel like getting reacquainted, I’ll do my best answer as truthfully as in PROPER, whatever questions you may now have for me. Ready na”,

ang naging saad pa nga ni Kris.

Dahil nga rito, ay talaga namang naging handa rin ang mga netizens na ibigay ang kanilang mga katanungan sa Queen of All-Media.

Isa nga sa mga unang katanungan na ibinato kay Kris ay,

“Is there any chance you’ll work with ABS-CBN?”

Na agaran rin namang sinagot ng tinaurian ring Original Horror Queen ng telebisyon na;

“I’d like to think bridges can always be built”,

Photo credits: Kris Aquino | Instagram

na ang ibig ngang sabihin ay hindi pa rin nawawala ang posibilidad na maaring dumating rin ang araw, na muli nating mapanood si Kris Aquino sa Kapamilya Network.

Maliban pa nga rito, ay mayroon pang isang netizens ang nagtanong kay Kris, kung bakit hindi na lamang ito magproduce ng sarili nitong TV show, o di kaya naman ay maging blocktimer sa TV5 o GMA 7, ito ay dahil sa marami na nga sa kanyang mga tagasuporta, ang nami-miss na umano siyang mapanood sa TV.

“We missed you on TV. It is not possible that you can be the producer of your own show like some celebrities?”,

ang naging pagtatanong nga ng isang netizens sa Queen of All-Media.




Dito na, sinabi at inamin ni Kris Aquino na siya’y walang malaking halaga para makapagproduce ng TV show.

“Hindi ako kasing yaman as you may think I am”, ang naging saad nga ni Kris.

Hindi rin nakaiwas si Kris, na tanungin siya ng mga netizens, kung may plano ba siyang pasukin ang pulitika, tulad ng kanyang kapatid at yumaong ama, na minsan ng naging presidente ng Pilipinas.

“Seeing yourself in politics, in 5 years now?”, ang naging katanungan nga kay Kris.

Kung saan ito naman ay sinagot niya ng,

“It’s destiny – so I can make all the plans but it’s reaaly all up to God’s plan for my life.”

Isang netizens naman ang nagbigay katanungan tungkol sa kalusugan ni Kris, at kinamusta kung siya ba ay maayos na at tuluyan ng magaling.

“Are you totally well na, recovered from all the illness you had before?”, ang katanungan nga ng isa pang netizens.

Photo credits: Kris Aquino | Instagram

Reply naman ni Kris dito ay,

“There’s no cure… There are okay days and there are not so okay days… I just promise myself the not ok ones are only for me & those living with me to know.”

Inilahad rin ng award-winning TV host, na sa kanyana buhay ngayon, sa kabila ng kanyang pinagdadaanan sa kanyang kalusugan, ay masasabi niya na siya’y kontento at masaya. Ito ay dahil sa kabila ng saya, lungkot, pagsubok sa kanyang buhay ay nanatili niyang kasama ang kanyang dalawang anak na kanyang pinakamamahal.

Marami nga sa mga tagahanga at tagasuporta ni Kris Aquino, ang talaga namang excited na, na muli nilang masisilayan ang Queen of All-Media sa telebisyon.