Isa sa talagang hinahangaan sa industriya ng showbiz pagdating sa fashion statement ay ang aktres na si Heart Evangelista. Talaga namang kahanga-hanga ang pagiging creative ni Heart sa mga bagay na may kinalaman sa fashion. Kaya naman, hindi nakapagtataka upang bansagan siya bilang “Queen of Creative Collaboration”.
Dahil nga, kahanga-hanga ang mga kasuotan ni Heart magmula sa damit, sapatos at bag ay marami sa kanyang mga tagahanga ay nais masilayan ang kanyang walk-in closet. At ang matagal nang hiling ng kanyang mga tagahanga na tour sa kanyang walk-in closet ay binigyang katuparan ni Heart.
Sa video na ibinahagi ni Heart ay talagang mamamangha ang sinuman sa ganda at dami ng laman ng kanyang walk-in closet. Bago tuluyang makapasok sa walk-in closet ng aktres, ay aakyat muna sa hagdan na may pink na carpet at hawakan na gawa naman sa gold.

At nang marating na nga ang kanyang walk-in closet ay masisilayan ang ganda at kaayusan nito. Ang bawat kasuotan ay nakaayos sa bawat klase at kulay. Isa nga sa pinakapaborito ni Heart sa kulay ng kanyang mga damit ay ang simpleng kulay puti. Ito nga ay dahil madali umano itong ibagay sa anumang kulay at accesories.
Ipinakita rin ni Heart ang koleksyon ng kanyang sun glassess at iba’t ibang uri ng accesories na maayos na nakasalansan sa isang glass cabinet.


Samantala, kung kahanga-hanga ang mga nakahilerang kasuotan ni Heart, ay sadyang nakakamangha rin ang kanyang napakarami at naggagandahang sapatos. At isa nga sa memorable sa kanya, ay ang sapatos na isinuot niya sa Schiapareli fashion show.


Hindi lamang kasuotan at sapatos ang hahangaan sa loob ng Paris-themed walk-in closet ni Heart kundi pati na rin ang kanyang mga mamahaling bag na may magagandang disenyo. Isa nga sa ipinakita ni Heart sa kanyang mga mamahaling koleksyon ng bag, ay ang isang vintage black bag na bigay sa kanya ng kanyang ina.

Proud naman na ipinakita ni Heart ang kanyang mga Hermes bag na sadyang may nakakalulang halaga. Kaya naman, pagbibiro ng aktres, kung sakaling magkasunog ang una niyang ililigtas mula sa pagkasunog ay ang kanyang Himalayan Hermes bag.
Marami naman sa mga netizens ang napa-sana all matapos masilayan ang kamangha-mangha sa gandang walk-in closet ni Heart.


Saad nga ng isang netizen matapos mapanood ang walk-in closet tour ni Heart, “Heart is very classy, it’s not all about Louis Vuitton, Gucci, Fendi although they are nice, many wealthy people spend money on hand crafted items, exclusive items, and not extremely expensive waste, I love how Heart is very classy she doesn’t flex and is genuinely a very humble nice person!”