Glaiza De Castro, Labis ang Kaligayahan Matapos Surpresahin ng kanyang Irish Boyfriend sa kanilang Anniversary Kahit Sila’y Magkalayo

Tunay nga na hindi hadlang ang layo o distansiyang nakapagitan sa dalawang pusong nagmamahalan upang iparamdam ang pagmamahal sa isa’t isa. Isang patunay riyan ang lovers na sina Glaiza de Castro at Irish boyfriend nitong si David Rainey. Ang boyfriend ni Glaiza ay kasalukuyang naninirahan sa Ireland, ngunit ang layo nito sa nobya ay hindi naging hadlang upang surpresahin ang mahal na nobya sa kanilang anniversary.

Malayo man ang distansya at nasa gitna ng pandemya, ay nagawa paring surpresahin at paligayahin ni David si Glaiza. Upang maisakatuparan ang surpresa sa nobya, ay kinailangan ni David ang tulong ng kanilang mga kaibigan. Sa pagdiriwang ng kanilang anniversary bilang magkasintahan ay may inihanda si David na napakagandang bouquet of flowers at isang life-size na unan kung saan nakaprint ang mukha ni David at may nakasulat pang “Happy Anniversary, Love, David.”




Sa Instagram, masayang ibinahagi ng aktres ang mga kaganapan sa surpresang handog ni David. Makikita nga na kararating lang ni Glaiza sa cottage kung saan naroon ang kanyang mga kaibigan. At nang makita ang bulaklak at unan, ay alam agad ni Glaiza na ito ay mula sa kanyang nobyo. Hindi naman makapaniwala ang aktres sa surpresa nito, kaya naman, labis ang kaligayahan nito na todo ang pagkakangiti.

Una ngang bungad na pagbati ni Glaiza sa kaibigan ay “Oh, my God! Seryoso ba ‘yan?” Agad namang sumagot ang kanyang kaibigan at sinabi, “Oo, kanina pa ‘yan.”
Nilapitan naman ni Glaiza ang life-size na unan, at niyakap ito. Makikita nga sa mukha ni Glaiza na masayang-masaya siya sa ginawa ng nobyo na kahit malayo ito at wala sa tabi niya ay napaligaya siya nito sa pagdiriwang ng kanilang anniversary.

Samantala, hindi naman talaga madali ang magkaroon ng long distance relationship. At tulad rin ng ibang couple, ay dumadaan sa mga pagsubok sina Glaiza at nobyo nito. Sa katunayan nga nito, ay nagkaroon separation anxiety si Glaiza sa pagkakalayo nila ng kanyang boyfriend.

Sa caption nga ng post ng aktres, sinabi nito na nagkaroon siya ng separation anxiety kung kaya’t naghanap siya ng mga bagay na magiging libangan niya at makakapagpasaya sa kanya.

“Since I have been dealing with separation anxiety for being apart for a few months now, I chose to do things that make me happy like waking up in the morning to see the sunrise and learn surfing, exercising and cooking amongst other things.”

Sa kabila naman ng kanyang nararamdaman, ay lubos ang pasasalamat ng Kapuso actress dahil kahit nasa malayo ang nobyo, ay gumawa ito ng paraan upang iparamdam sa kanya ang pagmamahal nito.



“But this morning, someone surprised me and I’m so grateful ‘cause he constantly find ways to be there for me. Though not physically for now.”

Hangad naman ng aktres na magkasama na sila ng kanyang boyfriend na talaga namang mahal na mahal niya. Pinasalamatan rin ni Glaiza ang kanyang mga kaibigan na naging kasabwat ni David upang maisakatuparan ang surpresa nito.

“I know we’ll be together again but hopefully, soon. Lol. Maraming salamat at mahal kita ? Special thanks to our friends who planned this perfectly and woke up extra early to set this up. Sobrang saya lang.”