Kung usapang tunay na pag-ibig, hindi maikakaila na marami ang nais malaman kung paano magkaroon ng isang matibay at matatag na relasyon.
Para nga sa aktres na si Gladys Reyes, ang sikreto umano ng matatag at matibay na relasyon nila ng kanyang asawang si Christopher Roxas ay ang pagiging “first and last” ng bawat isa. Sa madaling salita, ay una at huling minahal ni Gladys si Christopher, ganun din ang aktor sa kanya.
Unang nagkakilala sina Gladys at Christopher nang sila’y magkasamang gumanap noon sa teleseryeng “Mara Clara”. Dito na nga nagsimula ang kanilang pagtitinginan at nahulog sa isa’t isa. At noong Enero 2018,ay muli nilang pinagbuklod ng kanilang pagmamahalan sa pagdiriwang ng kanilang 25 taong pagsasama. Ang kanilang pangako sa isa’t isa ay muli nilang sinariwa sa espesyal na araw na iyon.
At ngayon nga, ay mahigit 25 taon nang nagsasama ang mag-asawa kung saan ay biniyayaan ng apat na anak. Makikita naman na masayang-masaya ang kanilang pagsasama.
Samantala, abala ngayon ang aktres sa kanyang trabaho bilang isa sa mga cast ng teleseryeng “Madrasta” na mapapanood sa GMA. Isa naman sa naging katanungan sa aktres, ay kung ayos lang sa kanya kung ang magiging nobya ng kanyang anak ay isang “madrasta”.
13 taong gulang na ang panganay na anak ni Gladys, at ang nais niya para sa kanyang anak kung sakaling magkaroon na ito ng buhay pag-ibig ay tulad rin ng love story nila ng kanyang asawang si Christopher na kanyang true love at kanyang first and last.
“Hindi po sa nagsasalita ako ng tapos na ayoko mag-end up ang anak ko na may madrasta pero mas maganda iba kasi siyempre yung naging experience ko, ‘di ba, kami ni Christopher, talagang first and last gano’n iba eh.”
Pagbabahagi naman ng aktres, ngayong teenager na ang kanyang anak at kung magkakaroon ito ng babaeng ligawan, mas mabuti umano na mas makilala niya ng lubusan ang babae.
“Tinatanong nga ako paano kapag may girlfriend eh 13 lang siya, sabi ko kailangan makilala ko siya at makilala niya ako so let’s see pero hindi naman po lalo na iba na panahon ngayon.”