Dimples Romana, Proud na Ibinahagi ang Negosyo ng Kanyang Panganay na Anak na si Callie Ahmee

Ang aktres na si Dimples Romana ay kilala na ng publiko bilang isang madiskarte sa buhay na kung saan ay talagang nagsusumikap upang makamit ang kanyang pangarap. Ilang ulit na nating nasaksihan ang bunga ng kanyang sipag at tyaga. Magmula nga sa bahay, condo, farm at iba pang property ay kanyang naipundar.




Tila nga namana ng kanyang panganay na anak na si Callie Ahmee ang kanyang kasipagan at pagiging madiskarte. Kamakailan nga, ay isang proud Mommy si Dimples sa kanyang anak na si Callie nang ibahagi niya ang nalalapit nitong pagkakaroon ng sariling negosyong rattan bags. Ito nga ay ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram, kung saan nilakipan niya ng larawan ng kanyang anak habang hawak ang isang rattan bag. Cal the Brand, ang ipinangalan sa magiging negosyo ni Callie.

Ayon sa post ni Dimples, ay halos makalimutan niya na 16 taong gulang lamang ang kanyang panganay. Ito nga ay dahil sa determinasyon at paraan ng pag-iisip nito pagdating sa pagnenegosyo. Kaya naman, bilang ina ni Callie ay proud na proud siya sa kanyang anak.

“Sometimes I forget you’re only 16. From your wisdom, entrepreneurial spirit, to the way you go about ideas, you make me so proud to be your mama.”

Photo credits: callieahmee | Instagram

Ipinaliwanag naman ni Dimples kung anong klaseng negosyo ang papasukin ng kanyang anak. Ayon nga sa aktres, ang Cal The Brand na negosyo ng anak ay naglalayon na,

“create and push for locally sourced fashion and furniture items.”





Dagdag naman ni Dimples, ang sariling brand ng kanyang anak ay nagnanais na maka-inspire, empower at build. At ang anak niyang si Callie, ay kabataan na nagsisimulang hubogin ang sarili sa landas ng kanyang tatahakin patungo sa tagumpay, sa larangan ng pagnenegosyo.

“A brand of her own that hopes to inspire, empower and build. A proud young Filipina making her mark and carving her own path to success.”

Photo credits: callieahmee | Instagram

Ilang oras lamang matapos magpost ni Dimples, ay nagpost rin si Callie sa sarili niyang Instagram account kung saan ay ipinasilip nito ang kanyang produktong rattan bags sa kanyang mga followers.

Photo credits: callieahmee | Instagram

Dahil nga sa murang edad ay nakitaan na ng interes si Callie sa pagnenegosyo, ay hinangaan ang dalaga ng mga netizens at ng ilang celebrities tulad nga nina Sharon Cuneta, Bea Alonzo, at Melai Cantiveros na nagpaabot rin ng pagbati.

Photo credits: callieahmee | Instagram

Matatandaan naman na minsan nang ibinahagi ni Dimples na ang kanyang panganay na anak na si Callie ay aalis ng bansa sa susunod na taon upang magtungo sa Australia para mag-aral sa kolehiyo kung saan ay tutuparin nito ang pangarap na maging isang piloto.