Dating PBB Housemate na si Karina Bautista, Emosyonal na Ikwenento ang Kanyang Pinagdaanan Operasyon sa Dibdib

Hindi na nga napigilan pa ng dating PBB housemate na si Karina Bautista ang maging emosyunal matapos niyang ibunyag sa publiko ang pinagdaanang operasyon sa kanyang dibdib. Sa kanyang latest vlog na pinamagatang “The Revelation”, ay matapang na isiniwalat ng tinaguriang “Miss Independent ng Isabela” ng bahay ni Kuya ang kanyang karanasan.




Ngunit, bago niya isapubliko ang kanyang pinagdaanang pagsubok, ay nagdalawang isip pa siya dahil nga, hindi niya umano pinagsabi ang kanyang kalagayan kahit pa sa kanyang malalapit na kaibigan. At nito lamang, ika-3 ng Oktubre nang mabuo ang kanyang pasya na isapubliko na ito dahil maayos na rin ang kalagayan ng kanyang kalusugan.

Pagbabahagi ni Karina, nagsimula umano ang lahat noong Agosto 4, taong kasalukuyan nang may makapa umano siyang bukol sa kanyang kanang dibdib. At ang laki umano nito ay maihahalintulad sa laki ng almond ng M&Ms at ito rin ay kanyang pinakapa sa kaibigan niya. At nakumpirma rin nito na meron ngang maliit na bukol sa kanyang dibdib.

“It all started nu’ng August 4, 2020. Nanonood ako ng Netflix. Nakataas ‘yung kamay ko habang nanonood ako. And then bigla akong may nakapa. Para kasi siyang size ng almond ng M&Ms. Then pinakapa ko du’n sa friend ko. Sabi ko ‘Uy, tingnan mo nga’ tapos ‘yun kinapa niya din. Tas meron”

Noong una raw ay inakala niya na normal lamang ito dahil may buwanang daloy siya. Ngunit, nang sabihin niya ito sa management ay nag-alala rin ang mga ito. At upang makatiyak ay agad siyang nagdesisyon na magpacheck up para na rin malaman ang kalagayan niya.




Nang magpacheck up nga sa isang breast specialist ay nakumpirma na hindi lamang isa, kundi dalawa ang bukol na nakapa sa dibdib niya. At pinayuhan rin siya ng Doctor na magpa-ultra sound upang makita at mas makasigurado kung meron talaga siyang cyst.

“Nu’ng una sabi ko ‘Doc, isa lang naman po ‘yung nakakapa ko. Pero nu’ng time na ‘yun sabi ni Doc ‘Oh parang dalawa. Ito oh,’ tapos nagulat ako. So may hindi pa pala ako nakakapa nu’ng time na ‘yun kasi mas maliit pa ‘yung isa. ‘Yung time na ‘yun may taping pa ako sa nagmadali pa kami.”

At matapos ang 24 oras ay lumabas na agad ang resulta ng ultrasound. Pagtitiyak naman ng Doctor, ay hindi naman daw ito gaanong seryoso, kung kaya’t wala siyang dapat ipag-alala. Sa resulta nga ay nakita na may cyst ang magkabilaan niyang dibdib na unti-unti nang lumalaki at may sukat na 1.7 cm na. Napag-alaman sa resulta na tatlong cyst ang natagpuan sa kanyang dibdib. Sa kanyang kanang dibdib ay dalawa, samantalang isa naman sa kaliwang dibdib. Kaya naman, agad siyang pinayuhan ng Doctor na sumailalim sa operasyon.

“But then ang lumabas pala sa results ay tatlo pala ‘yung cyst na nakita sa both breasts ko. Nu’ng una kasi right ko siya nakapa. And then naging right and left tapos ngayon naging dalawang right and isang left. ‘Yung sinasabi kong parang size ng almond is parang bubble gum na nga daw. Parang lumaki ng parang 1.7cm. Ang advise ni Doc is tanggalin.”

Hindi naman napigilan ni Karina ang maging emosyunal nang ibahagi ang naramdaman niyang kalungkutan kung paano niya haharapin ang pagsubok. Ito nga ay dahil namoblema siya kung saan kukunin ang pambayad sa gastusin. Ito naman ang pangalawang operasyon ni Karina, dahil noong nasa Grade 10 umano siya ay naoperahan na rin siya.

“Nalungkot ako kasi ‘di ba kaka-opera ko lang nu’ng Grade 10 ako. So iba na naman. Nalungkot lang ako kasi siguro more on sa gagastusin. Alam niyo ba dapat feeling ko over na ako dito. Tapos ngayon parang bumabalik na lang ulit lahat ng nangyari.”

Ayon naman sa resulta ng biopsy, napag-alaman na nagkaroon ng fibroadenoma si Karina. Samantala, ibinahagi rin Karina ang detalye ng isinagawang operasyon sa kanya. Noong ika-15 ng Setyembre ay matagumpay ang naging operasyon at natanggal na ang cysts sa kanyang dibdib. At ngayon nga, ay maayos na ang kanyang kalagayan kung saan ay nakabalik na rin siya sa kanyang trabaho, pati na rin sa kanyang pag-aaral.

The Revelation | Karina Bautista