Dating Aktres na si Empress Schuck, Engaged na sa kanyang Non-showbiz Partner na si Vino Guingona

Naging double celebration ang pagdiriwang ng kaarawan ng anak ng dating aktres na si Empress Schuck at non-showbiz partner nitong si Vino Guingona. Ito nga ay matapos alokin ng kasal ni Vino ang napakagandang si Empress sa mismong araw ng kaarawan ng kanilang anak na si Athalia noong ika-28 ng Setyembre, araw ng Lunes.




Naging saksi ang kanilang pamilya sa nakakakilig na proposal ni Vino kay Empress na talaga namang mababakas sa mukha ng dating aktres ang labis na kaligayahan. Hindi rin maitago ang saya sa mukha ni Vino, nang sa pagluhod niya at pag-abot ng singsing sa kanyang partner ay agad nitong ibinigay ang matamis na oo.

Samantala, ang masaya at nakakalikig na tagpong ito sa kanilang engagement ay masayang ibinahagi ng dalawa sa kanilang Instagram account.

Sa post nga ni Empress sa Instagram, ay makikita na talagang masayang-masaya siya na naging higit na espesyal ang pagdiriwang ng kaarawan ng kanilang anak na si Athalia, dahil sa surprise proposal ng kanyang partner. Pinasalamatan rin ng dating aktres si Vino, at sa panibagong yugto nga ng kanilang buhay bilang mag-fiancee ay tiniyak naman ni Empress na ang Panginoon ang kanilang magiging gabay at sentro ng kanilang pagmamahalan.

“And so this day has become even more special. It’s not just Athalia’s birthday anymore but also a new celebration of God’s intention. Thank you @vinoguingona for doing it on her birthday and in this special home witnessed by my whole family. Wouldn’t have it any other way. A new chapter begins for me. And I know by walking with God together, we are on the right path. The goal of our relationship is to honor Him and do things what’s right in His eyes and that’s what we’re going to do real soon.”

Samantala, sa Instagram naman ni Vino, ay pinasalamatan nito ang kanyang fiancee na si Empress sa pagtanggap nito sa kanyang pagmamahal at pagkatao. Nangako rin itong iingatan at mamahalin si Empress habang buhay.




“My love, my everything. Thank you for inspiring me everyday to be the best dad, the best partner, the best person that I can be. Thank you for loving me for who I am… I love you and always will.”

Hindi rin nakalimutan ni Vino na magpasalamat sa Diyos sa pagkakataong ibinigay sa kanya upang hingin ang kamay ng partner niyang si Empress na kasama na niya sa loob ng ilang taon. Pinasalamatan rin niya ang pagkakaroon ng isang masayang pamilya.

“Thank You, Heavenly Father for this wonderful moment. Thank You for the gift of love and family.”

Matatandaan naman na noong 2015, nang ianunsiyo ni Empress na siya’y malapit nang maging isang ganap na ina sa panganay na anak nila ni Vino. Si Vino ay apo ng dating Vice President na si Teofisto Guingona Jr. at pamangkin naman ni Senator Teofisto Guingona III.

Samantala, ang dating aktres na si Empress, maliban sa pagiging isang butihing maybahay, ay abala ngayon sa kanyang mga negosyo, at libangan rin ang pagiging isang vlogger.
Congratulations Empress and Vino!