Dalagang Nakipag-Blind Date, Iniwan ng Ka-Date Matapos Magsama ng 23 Kamag-anak sa Kanilang Date na Umabot ang Bill sa $2,800 Dahil sa mga Order nito

Ilan sa mga ginagawa ng mga tao upang magkaroon ng lovelife, o matagpuan ang taong tingin nila ay itinakda para sa kanila ay ang pakikipag-blind date.

Ang pakikipag-blind date ay isang pinag-usapang date ng dalawang tao na hindi magkakilala personal, at sa kanilang blind-date lamang sila unang magkikita at magkakakilala, at dito sa tagpo ngang ito nila malalaman kung magugustuhan ba nila ang isa’t isa, at kung uulitin pa ba nila ang date na kanilang ginawa.

May ilang mga kwento na nga tayo ng blind-date na narinig, kung saan ay talaga namang naging matagumpay ang kanilang paged-date at ang iba pa nga ay nagkatuluyan at naging mag-asawa sa bandang huli.




Ngunit ngayon, ay isang hindi pangkaraniwang pangyayari sa isang blind date ang ating narinig, kung saan ito ngayon ay talaga namang naging usapin online.

Trending online ang isang dalaga mula sa China, ito ay matapos niyang makipag-blind date, at sa date na ito ay nagsama ang dalaga ng 23 niyang kamag-anak, upang patunayan lamang kung ang lalaki bang kanyang magiging ka-date ay mapagbigay o hindi.

Photo credit from dailymail | For Illustration Purpose Only 

Noong una, ay naging maayos naman para sa lalaking ka-date ng dalaga ang ginawa nitong pagsama ng napakarami niyang kamag-anak, ngunit hindi nito inasahan na oorder ng napakarami ang mga kamag-anak nito, kung saan ay talagang mga mamahalin pang pagkain at inumin, kaya naman ang bayarin sa restorant ay umabot sa halagang $2,800.

Ang naturang blind-date umano ay isinet-up ng ina ng lalaki, dahil sa ito ay nag-aalala na para sa kanyang anak, dahil sa matagal na itong “single” at baka umano tumanda itong binata at hindi na makapag-isip pang mag-asawa.

Samantala, ng ibinigay na nga ang bayarin sa restorant kung saan ginanap ang ‘blind date’ ay nagulat ang lalaki ng ang halaga ng bayarin ay umabot sa $2,800, at sabihin sa kanya ng dalaga na siya ang kailangan magbayad nito.

Para nga sa dalaga, kaya lamang siya nagsama ng napakaraming kamag-anak at nag-order ang mga ito ng napakarami ay dahil sa nais lamang niyang i-test ang pagiging mapagbigay ng lalaki, ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito nangyari dahil imbis na bayaran ng lalaki ang halaga ng lahat ng inorder nila, ay ang kinain lamang ng nito ang kanyang binayaran, at saka ito tuluyang umalis at iniwan ang dalaga at mga kamag-anak nito.




Dahil nga sa ang ina ng lalaki ang nag-set up ng date, ay ito rin ang naging tagapamagitan ng dalawa, tungkol sa issue ng pagbabayad ng bill sa kanilang kinainan, ngunit madiin na sinabi ng lalaki na hindi siya magbabayad ng napakalaking bill sa restorant, na inorder ng napakaraming kamag-anak ng babae.

Photo credit from dailymail | For Illustration Purpose Only

Ayon nga sa binata, walang kaso sa kanya na bayaran ang “bill” kung ang kasama lamang ng dalaga ay isa o dalawang kamag-anak, ngunit ang magdala ito ng 23-bilang ng mga kamag-anak, ay tila naman sobra-sobra na ito, para lamang patunayan ang kanyang pagiging mapagbigay.

Marami naman sa mga netizens, ang nagbigay ng kanilang komento tungkol sa ginawang ito ng dalaga, kung saan ayon sa mga ito, ay hindi nga naman tama na magsama ito ng napakaraming kamag-anak sa isang blind-date.

Saad pa nga ng iba, isa o dalawang kasama sa pakikipagblind-date ay sapat na, kung sa tingin mo ay kinakailangan mo talaga ng kasama, pero ang magsama ng napakarami, tingin ng iba, libreng pagkain lamang ang habol ng mga ito sa nasabing date.

source: dailymail