“Dalaga or not, people need a break”: Ellen Adarna, Hindi Nakapagpigil na Sagutin ang Isang Netizen na Nagsabing Siya ay “Lakwatsera”

Ang napakaganda at napakaseksing si Ellen Adarna ay masayang naninirahan ngayon sa Cebu kasama ang kanyang anak na si Elias Modesto. At dahil nga, wala pang masyadong pinagkakaabalan, ay sinasamantala ni Ellen ang pagkakataon na magkaron ng pahinga, at mapasyalan ang mga magagandang lugar na matatagpuan sa Cebu.




Madalas ngang magbahagi si Ellen sa Instagram ng kanyang masasayang adventure sa mga magagandang lugar na kanyang napupuntahan sa Cebu. At kamakailan lamang, nang magbahagi ang seksing aktres ng isang video clip sa Instagram kung saan makikita na enjoy na enjoy siya paliligo sa isang tagong ilog. Ito naman ay nilakipan niya ng caption na:

“Me x10”

Ngunit, tila naman may hindi natutuwa sa pamamasyal na ito ni Ellen dahil may isang netizen ang nagkomento sa kanyang post ay sinabi na siya’y “lakwatsera”.

“Dalaga ghorl? Ka laagan ba?” (Dalaga ghorl? Ang lakwatsera naman?)

Hindi naman nagpatinag si Ellen sa basher na ito, at agad na dinipensahan ang sarili patungkol sa kanyang pamamasyal sa mga tourist spot sa Cebu.

Ayon nga sa sagot ni Ellen sa basher, una ay buhay niya ito at walang sinuman ang maaaring makialam. Pangalawa umano, kung dalaga man o hindi ay kailangan ng tao ang makapagpahinga at ienjoy ang sarili. Hindi naman matukoy ni Ellen kung ano ang itatawag niya sa basher na nagsabing lakwatsera siya.




“Nanu man ghorl na mura ug boy na mura ug ‘ghorl’ (wako kasabot unsaon ka ug address kai naglibog kog babaye baka or laki). First, this is my life and 2nd ma dalaga or not, people need a break. Ayaw kaayo ipa claro imong ka ignorante ghorl na murag boy… ngil-ad.” (Bakit pala ghorl na mukhang boy na mukhang ‘ghorl’ [di ko alam kung paano kita i-address kasi nalilito ako kung babae ka or lalaki]. First, this is my life and 2nd dalaga or not, people need a break. Huwag mo masyado ipahalata ang pagka-ignorante mo ghorl na mukhang boy… hindi maganda.)”

Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagbahagi si Ellen ng kanyang pamamasyal. Maliban nga sa paliligo at pag-rerelax ni Ellen sa tagong ilog, ay naibahagi na rin niya kamakailan ang pagbisita niya sa Temple of Lea sa Cebu na pagmamay-ari ng kanyang pamilya, kung saan nakasama niya ang kanyang mga pinsan upang mag-yoga.

Pagbabahagi naman ni Ellen nang makapanayam siya ni Mo Twister noong nakaraang Abril, ay wala umano siyang balak bumalik sa showbiz dahil abala siya sa kanyang trabaho. Wala rin umano siyang balak pasukin ang mundo ng vlogging sapagkat wala namang pagkakainteresan sa buhay niya.

Ngayon nga, maliban sa pagiging isang full-time sa kanyang anak, ay abala siya sa kanyang trabaho kung saan ay isinasama rin niya ang anak sa opisina.