Connect with us

Entertainment

Cute at Super Adorable Baby ni Carlo Aquino at Trina Candaza 1 Month Old na

Parang kailan lang nang gulatin ng gwapong aktor na si Carlo Aquino ang publiko, matapos nga nitong ilahad na siya ay isa nang ganap na ama sa pagsilang ng kanyang kasintahang si Trina Candaza sa panganay nilang anak.




Isang napakacute na baby girl ang ipinagkaloob sa magkasintahan na pinangalanan nilang Elona Mithi. Sa pagdating nga ni Baby Elona sa kanilang buhay, ay hindi maitago ang labis nilang kaligayahan. Dahil nga sadyang napakacute ni Baby Elona, magmula ng isilang ito, ay talagang masasabi na proud parents ang magkasintahan.

Photo credits: enolamithi | Instagram

At tulad nga ng ilang kids celebrities, ay ginawan rin ng sariling Instagram account si Baby Elona upang ibahagi sa publiko ang kacutan at pagiging charming nito, maging ang mga nakakatuwang milestone ni Baby Elona.

Photo credits: enolamithi | Instagram

Ngayon nga, ay isang buwang gulang na si Baby Elona na kung saan ay mas lalong nasilayan ang cute at maamo nitong mukha. At base sa mga ibinabahaging mga larawan at videos sa Instagram account nito, makikita na talagang hindi makakatiis ang sinuman na titigan ang napakaganda nitong mukha.




Isa na nga rito ang video, kung saan makikitang nakangiti si Baby Elona habang nakatitig sa kanyang Mommy Trina. Napakacute ngang pagmasdan ng munting anghel habang masisilayan ang ngiti sa mga labi.

“Mommy making me laugh and Me making her happy 😄”

Kung may bonding moments si Baby Elona at Mommy Trina, may bonding moments rin syempre ang mag-ama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enola Mithi Candaza Aquino (@enolamithi) on

Sa isang larawan nga, makikita na karga-karga ni Daddy Carlo si Baby Elona, na napakacute sa suot nitong kulay pink na PPE. Base sa post ng aktor, ay nasa isang clinic sila para sa first vaccine ni Baby Elona. Mababasa naman sa caption ng naturang post na naiyak si Baby Elona matapos ma-inject, at maging si Daddy Carlo ay naiyak rin nang makitang umiiyak si Baby Elona.

Photo credits: enolamithi | Instagram

“Done with my first vaccine 💉 wearing my PPE again 😊 (Daddy also cried when he saw me crying because of the inject!on 😬)”

Maging sa pagtulog ni Baby Enola ay may nakakatuwang reaksyon ito. Minsan nga ay nasilayan ang matamis na ngiti sa mga labi nito habang tulog na tila may magandang panaginip.

“Dreaming of better days”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enola Mithi Candaza Aquino (@enolamithi) on

Talaga namang walang katumbas na kaligayahan ang hatid ni Baby Elona sa kanilang pamilya. Kaya naman, napakapalad ng magkasintahang Carlo at Trina sa pagdating ng kanilang munting anghel sa buhay nila. Bagay na karapat-dapat nilang ipagpasalamat, ang isang biyayang hindi matutumbasan ng anumang halaga.

“You can thank your stars all you want, but I’ll always be the lucky one..”

error: Content is protected !!