Parte na sa buhay mag-asawa ang magkaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan lalo na pagdating sa pag-aalaga ng mga anak. At bilang mga magulang na kumakayod maghapon sa pagtatrabaho at pag-aalaga ng mga anak, ay nakakaramdam rin ng pagod. Ngunit, magkagayon pa man ay hindi sila nagsasawang tulungan ang kanilang mga kabiyak.
At kung best partner lang din ang pag-uusapan, ay napakapalad ng aktres na si Chynna Ortaleza, sa pagkakaroon ng asawang tulad ni Kean Cipriano.
Sina Chynna at Kean ay ikinasal noong 2015, at ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng dalawang anak sina Stellar at Salem. At sa loob nga ng limang taong pagsasama bilang mag-asawa ay mas lalong naging matatag ang relasyon kung saan ay punong-puno ng pagmamahalan.
At nito lamang October 29, ay ibinahagi ni Chynna ang isang post upang bigyang pugay si Kean sa pagiging mabuti at uliran nitong asawa na hindi nagsasawang tulungan siya sa pag-aalaga sa kanilang dalawang anak.
Sa post ni Chynna, makikita sa larawan na nakasalampak sa sahig si Kean malapit sa crib ng kanilang anak habang mahimbing na natutulog ng nakanganga. Mababakas sa hitsura ni Kean ang labis na pagod at puyat kung kaya’t nakatulog na lamang ito ng nakanganga.
Ayon nga kay Chynna, ay hindi lamang mga ina ng tahanan ang napapagod, kundi pati na rin ang mga padre de pamilya. At tulad nga ni Kean na palagi siyang dinadamayan at tinutulungan sa pag-aalaga ng kanilang anak.
Base sa caption ng post ni Chynna, ay ito ang unang araw na naging magulang sila ni Kean. At sa panahong nakunan ng larawan si Kean, ay galing umano ito sa gig, tapos sa taping ng Dolce Amore at nataon na nag-labor na siya. Kaya naman, tila nga malapit na umanong maging “zombie” ang hitsura nito.
“Saludo sa mga Daddy na naka nganga! Akala ng marami mga Mommy lang ang laylay petals.. or pagoda tragedy. Pero sa aming partnership.. si @kean dinadamayan ako. Solid! First day namin maging parents nito. Pero kasi ang grind ni Kean nito.. Gig, Dolce Amore diretso labor, boom.. malapit na maging Zombie!”
At nang dumating umano ang kanilang anak na si Salem, ay mas lalo pang nasubok ang kanilang pagiging magulang. Lalo na si Kean na halos hindi na nakakatulog ng maayos.
“Akala namin pagod na kami niyan. Ngayon na may Salem na kami, bukod sa kanya kanyang career e may OC Records.. madalas mong makikita si Kean na naglalakad.. pero not sure ako kung gising ba siya o tulog at naghahanap ng brains. Zombies Forever na talaga!”
Samantala, binigyang diin naman ni Chynna, na ang kanyang post ay isang appreciation post para kay Kean. Proud na proud nga si Chynna, dahil sa pagkakaroon niya ng “best partner” sa katauhan ng kanyang asawang si Kean. Hindi maikakaila na mahal na mahal ni Chynna ang kanyang asawang si Kean, dahil sa pagiging mabuti nitong asawa sa kanya.
“Yes guys appreciation post po ito! Swear to God! I have the best partner. Kaya niya akong patawanin pa rin kahit na punding pundi po siya sa asawa niya na sumalo ng kasungitan sa mundo. Mahal kita!!! @kean Lapit na tayo mag Anniversary.”