Carol Banawa, Proud na Ibinahagi ang Bagong Tagumpay na Nakamit, Nakapagtapos na ng Bachelor’s Degree in Nursing Bago Sumapit sa Edad na 40

Tunay nga na hindi kailanman naging hadlang ang edad sa pag-abot ng pangarap. Dahil ang higit na mahalaga ay ang pagpupursige at pagsusumikap ng isang tao sa pag-abot ng kanyang minimithing pangarap.

Ito nga ang pinatunayan ng dating singer na si Carol Banawa matapos magkapagtapos ng Bachelor’s Degree in Nursing sa Grand Canyon University sa United States.

Matatandaan na noong 2018, ay isa ring tagumpay ang nakamit ni Carol matapos maging summa cum laude sa Associate of Science Degree in Nursing sa Northern Virginia Community College. Ngunit, bago pa man siya kumuha ng Bachelor’s degree ay isa na siyang registered nurse sa America.

At nito lamang ika-18 ng Oktubre, nang proud na ibahagi ni Carol sa kanyang Instagram ang panibagong tagumpay na kanyang nakamit. Sa pamamagitan ng kanyang larawan habang nakasuot ng kulay black at purple na graduation gown at cap, ay masayang inanunsyo ng dating singer ang magandang balita.

“Another goal achieved! ❤”, masayang bungad ng singer sa kanyang post.

Ang naturang larawan ay nilakipan ni Carol ng mensahe kung saan mababakas ang kanyang buong-pusong pasasalamat sa mga taong nagpakita ng pagsuporta sa tinatahak niyang landas.
Unang pinasalamatan ni Carol ang kanyang asawang si Ryan Crisostomo, na ayon sa dating singer, ay hinayaan siyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral upang matupad ang kanyang pangarap.

“Thank you mahal, for working so hard for us which allowed me to pursue my studies..thank you for always pushing me, supporting me and believing in me.”

May nakakaantig ring mensahe ang dating singer sa kanyang mga anak. Pinasalamatan ni Carol, ang kanyang mga anak sa patuloy na pag-unawa sa kanya ng mga ito, hanggang sa matapos ang kanyang pag-aaral.

“Thank you to my children for always being patient with Mama, for understanding the times that I have to stay in front of the computer to finish my posts, papers and projects..I love you all so much.”

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Carol ang kanyang pamilya at mga kaibigan na hindi nagsasawang sumuporta sa kanya.

“To my Papa, Mama, Kuya and Ate, I finally did it! This is for you guys. Thank you for always believing in me..I hope you are all proud of me. I love you all so much. To my relatives and friends who have always supported me, cheered for me, and celebrated with me..thank you, I miss you all and I love you.”

Sa huli nga, ay nag-iwan ng isang nakaka-inspire na mensahe si Carol, lalo na sa mga taong nais abotin ang pangarap sa buhay kahit may edad na. Ayon nga sa dating singer, ay hindi basehan at hadlang ang edad upang matupad ang minimithing pangarap. Ang tangi lang umanong gagawin ay mangarap, magtiwala, at tuparin ito ng walang pag-aalinlangan. Dahil siya, ay nakamit ang pangarap niya sa abot ng kanyang makakaya bago sumapit sa edad na 40.

“Bachelor’s degree before 40. You are never too old to reach for your dreams! Dream it. Believe it. Do it. Conquer it. To GOD be the GLORY!!!”