Bunsong Anak ng Mag-asawang Lara Quigaman at Marco Lacaraz, One Month Old na! Mommy Lara, Ibinahagi ang Karanasan Bilang Ina sa Kanyang Tatlong Anak na Lalaki

Tunay nga na hindi biro at lalong hindi madali ang maging isang ina lalo na ngayong panahon ng pandemya. Bukod nga sa hirap at pagod sa pag-aalaga ng mga anak sa loob ng tahanan, ay dagdag isipin rin ang problema at pagsubok na kinakaharap na dulot ng pandemya.

Hindi maikakaila na maging ang ilang celebrities sa showbiz ay nakakaranas rin ng hirap sa pag-aalaga sa mga anak. Katulad na lamang nga ng beauty queen-actress na si Lara Quigaman, na kamakailan ay ibinahagi ang kanyang karanasan bilang ina sa kanyang tatlong anak na lalaki ngayong panahon ng pandemya.

Photo credits: laraquigaman | Instagram

Matatandaan na noong ika-17 ng Setyembre nang isilang ni Lara ang kanilang bunsong anak ng asawang si Marco Alcaraz na pinangalanan nilang Moses Marc. At nito lamang ika-17 ng Oktubre, ay masayang ipinagdiwang ni Baby Moses ang kanyang 1st month birthday.




Kasabay naman ng pagtuntong ng one month old ni Baby Moses, ay ibinahagi ni Mommy Lara sa kanyang Instagram ang kanyang karanasan bilang isang ina sa tatlong anak na lalaki. Kalakip ng larawan nila ni Baby Moses, ay ang mahirap ngunit masayang karanasan sa yugto ng buhay niya bilang isang ina.

Photo credits: laraquigaman | Instagram

Ayon nga sa post ni Mommy Lara, ay halos 2 oras lamang ang tulog niya dahil sa kanyang bagong panganak na si Baby Moses kung saan pinapadede niya, at binabantayan. Habang ang 2 taong gulang naman niyang si Tobias ay may kakulitan. At ang anak naman niyang si Noah, ay nag-hohome schooling.

Photo credits: laraquigaman | Instagram

Tila nga, wala ng oras pang magpahinga si Mommy Lara sa pag-aasikaso sa kanyang mga anak. Sabayan pa nga ito ng problema na dulot naman ng pandemya at iba pang pagsubok na kinakaharap sa buhay. Ngunit, sa kabila nito, ay malaki ang pasasalamat ni Lara sa Diyos, sapagkat nagagawa niyang lampasan at harapin ang bawat hirap at pagsubok na dumarating sa buhay niya.

Sa tuwing tumitingin umano siya sa mga mata ng kanilang munting anghel na si Baby Moses, ay masasabi niyang ang taon na puno ng pagsubok, ay ang taon naman na may pinakamagandang nangyari sa buhay niya.

Photo credits: laraquigaman | Instagram

“Running on 2 hours of sleep, a newborn cluster feeding, homeschooling Noah, a challenging 2-year-old Tobias and other challenges and problems in the midst of a pandemic — and yet, without a doubt, and all by the grace of God, I can say when I look in the eyes of this little one (who by the way is 1 month old today), that this year and the years to come are the best years of my life.”




Ayon pa kay Mommy Lara, ang bawat sandali na kasama ang anak, ay kanyang pasasalamatan at eenjoy dahil minsan lamang ito sa buhay niya.

“I will remember to enjoy and be grateful for every moment and for now we will celebrate your 1st month of life @mosesalcaraz.”

Si Noah ang panganay na anak ng mag-asawang Lara at Marco. Samantalang si Tobias naman ang pangalawang anak. At ang kanilang bunso naman ay ang one month old na si Baby Moses. Pawang mga lalaki man ang anak, hindi maikakaila na mahal na mahal ng mag-asawang Lara at Marco ang kanilang mga anak na nagsisilbi nilang kayamanan.