Bossing Vic Sotto, Ibinahagi Kung gaano Siya Ka-Proud sa Anak na si Tali; Nagbigay Rin ng Reaksiyon Para sa mga Namba-Bash sa Kanyang Anak

Hindi nga lamang puro mga negatibo ang idinulot ng pagkakaroon ng [email protected] sa ating bansa, dahil kung ating iisipin ay mayroon din itong magandang naidulot, lalo na para sa mga magulang na halos ang buong oras ay nabuhos sa pagtatrabaho, at munting oras na lamang ang nailalaan para sa kanilang anak.

Kagaya na lamang nga ng actor at TV host na si Bossing Vic Sotto, kung saan ay para sa kanya, ay mayroon magandang naidulot ang [email protected] sa kanyang buhay lalo na sa kanyang pamilya. At ito nga ay ang pagkakaroon niya ng mas maraming oras at panahon na maka-bonding ang asawa niyang si Pauleen Luna, at ang kanilang anak na si Baby Tali.




Ayon nga kay Bossing Vic, bihira silang magkaroon ng time magpamilya na magbonding, ito ay dahil nga sa pareho silang abala ni Pauleen sa kani-kanilang mga proyekto at programa, at ang nagiging mahabang bonding lamang nila, ay kapag nagta-travel silang magpamilya.

“Bihira kaming magkatime noon for bonding, ang bonding lang talaga namin nang matagal-tagal kapag nagta-travel, nagbabaksyon for few days”, ang naging saad nga ni Bossing Vic.

Ibinahagi rin ni Bossing Vic, na sa pagkakaroon ng [email protected], kung saan ay nanatili siya sa kanilang tahanan dahil sa mga restriksiyon na inilatag ng gobyerno, ay ang kanyang anak na si Tali talaga ang nakinabang.

“Pero this time, si Tali talaga ang nakinabang nang husto dito sa quarantine natin eh”, ang naging paglalahad nga ni Bossing Vic sa naging panayam sa kanya.

Kwento pa nga ni Bossing Vic, sa kanyang anak na si Tali, mas nasaksihan niya ang lahat ng “First” nito, kumpara sa iba niya pang mga anak.

“Sa edad ko, it’s a whole new experience for me. Yung mga anak ko before Tali, parang most of the time hindi ko talaga sila nakitang lumaki. I missed a lot of their first. Tali is my first child na halos nakita ko lahat ng first niya – first steps, first song, first words. Ang sarap sa pakiramdam,” ang naging masaya pa ngang pagki-kwento ni Bossing Vic Sotto.




Sa naging panayam rin kay Bossing Vic Sotto, ay hindi niya napigilan na ipagmalaki ang talento ng anak niyang si Tali, at ito nga ay kung pagdating sa kantahan ay talaga namang pwedeng-pwede niyang ilaban ang anak.

“Sa ngayon, hindi pa siya nakaka-carry ng conversation talaga, pakonti-konti lang, pero pagdating sa kantahan, ilalaban ko itong bata ko dahil marami siyang alam, pati mga kantang pambata, may Japanese, may French.”

Para rin kay Vic, ay tila karamihan sa mga katangian ni Tali ay namana nito kay Pauleen, dahil sa very sweet nito tulad ng kanyang mommy, kaya naman hindi ito mahirap alagaan.
Ibinahagi nga rin ni Bossing, na tila may pagka-comedian rin ang anak na si Tali, at pabiro nitong sinabi na tila hindi niya alam, kung kanino magmamana ang anak sa pagiging isang komedyante.

Bago naman matapos ang panayam kay Bossing Vic, ay ibinahagi na rin nito kung ano ang kanyang reaksiyon sa mga taong nangba-bash sa kanyang anak na si Tali, kung saan ay sinabi nito na ang importante, ay sa kabila ng may mga taong namba-bash sa kanyang anak, ay mas marami naman ang mga taong natutuwa rito at at napapa-smile nito sa tuwing nagbabahagi ang asawa niyang si Pauleen ng mga video ni Tali.

Hindi na lang din umano pinapansin ni Bossing Vic, ang mga taong nambabash kay Tali, at ipinapasa-Diyos na lamang niya ang mga ito.

“Tapos yung ilang mga hindi natutuwa, ako hindi ko na lang pinapansin ‘yon. Pinagpapasa-diyos ko na lang yon. I try to understand this people, dahil malay natin baka may mga pinagdadaanan or may problema lang sa buhay, or mainit ang ulo niya that time. Iniintindi ko na lang yon. Mas importante, mas higit na nakararami yung good comments”, pahayag nga ng TV host-actor Bossing Vic.

Mensahe naman ni Bossing Vic para sa mga netizens, ay ang maging responsible umano ang lahat kapag gumagamit ng social media.