Billy Crawford, Mapapanood na sa Ibang Network! Naging Emosyonal ng Magpaalam sa Kanyang Matalik na Kaibigang si Vice Ganda

Isa si Billy Crowford sa mga talent ng ABS-CBN na ngayon ay kumpirmadong ng mapapanood sa ibang network, ito ay matapos ang nagyaring shutdown ng nasabing network.




Hindi naman napigilan ni Billy, ang maging emosyonal ng magpa-alam ito sa longtime co-host at malapit na kaibigan nitong si Vica Ganda, ito nga ay dahil sa tuluyan niya ng paglipat ng ibang network.

Noon ngang nakaraang buwan ng Setyembre, ay ganap ng ipinakilala si Billy Crowford ng TV5 bilang isa sa mga bagong host nito sa kanilang magiging bagong noontime at variety show. At ang balita ngang ito ay kinumpirma na rin ng R&B singer, nitong nakaraan lamang ika-29 ng Setyembre, araw ng Martes sa episode ng “Gandang Gabi Vice.’’

Sa naging kumpirmasyon nga ni Billy ng kanyang tuluyang paglipat sa ibang network, ay hindi nito napigilan ang maging emosyonal at magpasalamat sa kaibigan nitong si Vice Ganda, dahil sa ipinakita nitong suporta sa desisyon niya.

Ibinahagi nga ni Billy na halos lahat ng kanyang mga co-host sa “It’s Showtime” ay binigay ang suporta ng mga ito sa kanya, sa napili niyang desisyon na paglipat ng network. Ayon pa nga sa R&B singer, sila mismo ang nag-udyok sa kanya na i-grab ang oportunidad alang-alang umano sa kanyang pamilya, lalo na ngayon na siya ay isa ng ama.




“Thank you sa pagkakaibigan at pagpapakatotoo mo sa akin” saad ni Billy.

“Trust me, kahit anong mangyari, tatawagan pa rin kita at sasabihin ko, ikaw pa rin ang pinaka-number one bitch sa buhay ko. I love you.”

Ayon naman sa co-host at malapit na kaibigan ni Billy na si Vice Ganda, wala itong dapat ipag-alala sa kanyang pag-alis o paglipat ng ibang network, dahil hindi naman magbabago ang turingan nila bilang pamilya.

“Sa pamilya, mayroon naman talagang – mayroong kang mga kapatid na lilipat ng bahay. Pero hindi porket lumipat na siya ng bahay ay hindi mo na siya kapatid, or hindi mo na siya Kapamilya, hindi mo na siya mahal.”

“Maaaring lumipat siya ng bahay, pero family pa rin tayo. Kaya kahit lumipat ka ng bahay, kahit saang bahay man tayo mapunta, family kita at magkapamilya pa rin tayo, at mahal na mahal kita”, ang naging saad naman ni Vice Ganda para kay Billy.

Sa naging mensahe nga ni Vice Ganda para kay Billy, ay hindi na napigilan pa ng R&B singer ang maging emosyonal at tuluyan na ngang bumagsak ang pinipigil niyang luha sa kanyang mga mata.




Malungkot man sa magiging paglipat ng kaibigang si Billy, ay masaya naman si Vice para sa panibagong oportunidad na tatahakin nito sa ibang network.