Bella Padilla, Nasurpresa sa Naging Make-Over ng Kanyang Condo Unit na Tatlong Araw lang Ginawa

Ang ating tahanan ang nagsisilbi nating kanlungan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ang mga disenyo at dekorasyon namang matatagpuan sa loob ng ating mga tahanan, ay nagsisilbi namang repleksiyon ng ating pagkatao. Dito nga malalaman kung ano ang mga bagay na kinahihiligan natin.




At ang bahay nga ay malaki ang kinalaman sa personalidad ng taong nakatira rito. Kaya naman, upang mas lalong maramdaman ng aktres na si Bela Padilla na siya at ang kanyang bahay ay tila iisa, nagkaroon aktres ng “fluffing” sa kanyang tahanan kung saan ay nakita agad ang napakagandang resulta matapos lamang ang tatlong araw.

“Fluffing” ang tawag sa madaliang pagsasaayos at pagdidisenyo ng bahay na hindi kinakailangan ng malaking construction upang maisakatuparan ang hinahangad na ganda at disenyo ng bahay.
At kamakailan nga, ay “fully satisfied” si Bela sa malaking pagbabago ng kanyang bagong tirahan na isinakatuparan ng Moss Design.

Matatandaan na minsan nang ibinahagi ng aktres ang pag-alis niya sa kanyang 300 sqm condo at nagpasyang lumipat sa 100 sqm condo. Ngunit, bago tuluyang manirahan sa kanyang bagong condo, ay minabuti ni Bela na magkaroon muna ng renovation ang bahay na babagay sa kanyang personality.

At ang naging instrumento upang maisakatuparan ang nais na disenyo ni Bela ay ang mag-asawang Cyndi Fernandez-Beltran at Mado Beltran ng Moss Design kung saan ay binigyan ng Boho-themed na disenyo ng kanyang condo.

Ayon nga kay Cyndi, ay kinailangan niyang mag-research ng ilang detalye na may kaugnayan sa personalidad ng aktres upang maibigay at masunod nila ang lifestyle at nais nitong disenyo na kanilang gagawin sa bawat bahagi ng bahay tulad ng living room, dining area, kitchen at bedrooms.

“It was very important talaga for me to know Bela not as the celebrity but as a person because I wanted to make sure that whatever we’re designing for her is something that’s really suitable in her lifestyle.”

Ibinahagi naman ni Cyndi, kung gaano ka-hands-on bilang katrabaho si Bela. Ayon nga rito, ay tumutulong pa ang aktres sa pag-aayos ng mga furniture. Kaya naman, ang makatrabaho umano ito ay isang “pleasant experience.”




Samantala, nang matapos na ang renovation sa condo ni Bela, ay hindi maitago ang saya ni Cyndi. Ito nga ay dahil nakita nila ang isang napakagandang resulta na malayong-malayo sa condo na bumungad sa kanila bago ang renovation. At ang masisilayan nga ngayong condo, ang isang condo na tiyak na magugustuhan ni Bela, dahil kuhang-kuha nito ang disenyong nais niya na talagang sumasalamin sa personality ng aktres.

“I’m really happy with how it turned out. I feel like we created this space that was really reflective of her personality. I love that everything that she said she wanted was given to her. That beautiful rich green couch was just a really good piece in her living room.”

Nang masilayan nga ni Bela ang napakagandang resulta ay labis rin ang kaligayahan ng aktres. Agad na umagaw sa atensyon ng aktres ang tropical wallpaper sa pinto.

Ang living room naman ay talagang nagustuhan rin ni Bela. At ayon nga rito, ay talagang nakuha ng mag-asawa ang nais niyang disenyo. At hindi maikakaila na ang makikitang mga disenyo ay repleksiyon ng kanyang personalidad.




“I love how the living room is so me. I see my books everywhere like in the little areas. They’re hidden there, still. And my favorite is the two pillars of books. I love how simple it is. The fact that there’s no too overbearing covering the books — it’s just plain out there. Like it feels like the stories are just waiting for you to pick them up.”

Transforming Bela Padilla's new home in less than 3 days!!!