Entertainment
Batang Pinay Tinangihan ng Isang Exclusive School Kahit na Mas Mataas pa Umano ang IQ nito kay Einstein

Isang batang Pinay, ang talaga namang naging viral dahil sa kanyang katalinuhan, na kung saan lumabas sa kanyang IQ test na siya’y nagtataglay ng IQ na mas mataas pa kay Eistein.
At dahil nga sa kanyang labis na katalinuhang taglay, ay ni-reject siya ng paaralan na nais niyang pasukan ito ay dahil sa siya umano ay “over-subscription”.
Ang bata ngang ito ay kinilalang si Mia Golosino, isang 11-taong batang babae na isang Pinay, na ngayon ay naninirahan sa UK, kasama ang kanyang mga magulang.
Ayon nga sa ilang mga ulat, kumuha ng entrance exam si Mia, sa Aylesburry High Grammar school, ngunit ng matapos niyang masagutan ng maayos ang kanyang 11-mahigit na mga exam, ay ang kanyang natanggap na liham mula sa naturang paaralan ay naglalaman na siya’y “rejected” dahil sa “over-subscription”, o kung sa ibang salita ay over-qualified siya.
Dahil nga sa naging ‘rejection’ na ito ng Aylesburry High grammar school kay Mia, ay nagdesisyon ang mga magulang nito na sina Jose at Marie Golosino na pakuhain ng Mensa IQ Test si Mia, ito ay upang makapag-appeal sila sa naging desisyon ng naturang paaralan, dahil sa dito talaga umano nais mag-aral ni Mia.
Hindi naman akalain ng mga magulang at kapamilya ni Mia, na talagang ikagugulat nila ang kalalabasan ng resulta, ito ay dahil sa batid naman nila na matalino talaga si Mia, kaya talaga namang alam na nila na magiging maganda ang resulta ng Mensa IQ nito.
Ngunit talagang napamangha nga ang mga magulang ni Mia ng lumabas na ang resulta ng Mensa IQ Test ng kanilang anak. Ito ay dahil lumabas sa resulta, na ang IQ nito ay aabot sa 162, kung saan ay mas mataas ito sa pagkaka-alam nating IQ ng mga theoretical physicist na sina Stephen Hawking at Albert Einstein, na mayroong umanong IQ na 160.
Ayon nga sa naging saad ng ama ni Mia na si Jose, ay talaga namang hindi siya makapaniwala sa kinalabasan ng resulta ng Mensa IQ Test ng kanyang anak.
“We could not believe our eyes upon seeing the invitation letter. She just need one of the results within top 2 per cent to become a member of British Mensa”, ang naging saad nga ni Jose, ang ama ni Mia.
Samantala, dahil sa talaga namang naging kamangha-mangha ang kinalabasan ng IQ Test ni Mia, ay hindi na umapela pa ang kanyang mga magulang sa naging pag-reject sa kanilang anak ng Alyesbury High’s. Isa pa nga sa mga dahilan kung bakit, ito ay dahil na rin sa mayroong mas magandang paaralan ang tumanggap sa kanilang anak, at ito nga ay ang Royal Latin School sa Buckingham, na nagpadala sa kanila ng liham na naglalaman nga ng pagtanggap nito kay Mia.
Para pa nga sa mga magulang ni Mia, ay mas makabubuti nga sa kanilang anak na sa Royal Latin School mag-aral, ito ay upang mas lumabas pa ang kanyang “confidence”.
“We now think that this is the best school for her to go”, saad nga ng ama ni Mia.
“We were waiting for a prospectus to arrive the day that Menda test result came through the post”, ang naging saad naman ng ina ni Mia.
Ibinahagi pa nina Jose at Mary, na noon ay talagang sa paaralan kung saan ay puro lamang babae ang nag-aaral ang nais pasukan ng kanilang anak, dahil sa hindi ito masyadong mahilig makihalubilo sa mga batang lalaki.
