Bang’s Garcia, Ibinahagi ang Sikreto sa Pagiging Isa Niyang ”Seksi-Hot Mama”, Ilang Buwan Matapos Niyang Manganak

Muling pinahanga ng dating aktres na si Bangs Garcia ang mga netizens, matapos niyang magbahagi ng kanyang larawan nagyon, ilang buwan lamang matapos niyang magsilang sa kanyang pangalawang baby girl.

Aminin man natin o hindi, marami sa mga kapwa mommy tulad ni Bangs, ang talaga namang nais na maibalik ang dating hubog ng kanilang katawan.




At dahil sa maraming mga momshie na tulad niya ang batid niyang nais rin ma-achieve ang body figure na mayroon siya sa kabila ng naging panganganak niya, ay ibinahagi ni Bangs sa kanyang Instagram, kung ano nga ba ang sikreto niya upang maging seksi muli.

“My secret to flat belly. Especially helpful for CS mums who can’t do certain workouts yet and love to eat like me! Our bodies heal differently so it’s best to ask your doctor first before dong this”, saad nga ni Bangs sa kanyang post.

Ayon nga sa aktres, hindi lahat ng babae ay pare-pareho ang kundisyon ng kalusugan matapos ang panganganak, kaya naman bago gawin ang mga bagay na kanyang ginawa sa naging pagpapa-seksi niyang muli, ay mas mainam na magtanong muna sa kanilang doktor kung ito’y maaari rin ba nilang gayahin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Valerie Garcia-Birchmore (@valeriebangsgarcia) on

Narito nga ang ilan sa mga tips ni Bangs, ukol sa kung paano siya naging seksi uli;

“1. High-Waist Shaping Panties, 2. Belly binder w/ Velcro, 3. Suck in your stomach. Yup! Stand up tall & pull your belly buttong through to your spine. Kung sa bisaya pa, hiyak ba! It’ll not only make us look good in photos, it’ll also activate our core muscles & help us maintain a good posture.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Valerie Garcia-Birchmore (@valeriebangsgarcia) on

Ibinahagi rin ng seksi momshie na si Bangs Garcia, kung ano ang mga kadalasan niyang kinakain upang ma-achieve ang kanyang body figure ilang buwan lamang matapos niyang manganak.




“eat an apple in the morning daily, eat lots of fish, take fish oil capsules, and drink water first thing in the morning and stay hydrated throughout the day, among others.”

Ayon pa nga sa aktres “self-discipline at balance” ang pinakasusi para ma-achieve ang magandang pigura ng katawan, matapos ang panganganak.

Matatandaan na isinilang ni Bangs Garcia, ang pangalawang anak nila ng kanyang asawang si Lloyd Birchmore noong buwan ng Disyembre ng nakaraang taon.

Photo credits: valeriebangsgarcia | Instagram

Marami naman sa mga netizens, ang talagang napahangang muli sa angking kaseksihan na taglay ni Bangs Garcia, at sa nakita nilang post-baby transformation nito.