Connect with us

Entertainment

Bagong Kasal, Nag-Viral Dahil Imbis na Wedding Car, Isang “Wedding Cart” ang Kanilang Naging Sasakyan sa Araw ng Kanilang Kasal

Ang pag-iisang dibdib o kasal, ay talaga namang isa sa pinaka-espesyal na pangyayari sa buhay ng dalawang taong nagmamahalan. Ang kasiyahang dulot nito ay hindi binabase sa kung gaano kabonggga o kasimple ang kasal, kundi kung gaano kasaya at kakontento sa isa’t isa ang dalawang taong pinagtagpo ng Diyos upang magmahalan at maging isa.




Maraming mga kasal ang talaga namang nagpa-wow sa ating mga netizens dahil sa bongga ito, o di kaya naman ay kakaiba ang naging tema nito, ngunit ngayon ay isang kasal ang talaga namang nag-viral online dahil sa pagiging kakaiba, makabago at praktikal nito.

Photo credits: Roque B Tan | Facebook

Ibinahagi nga ng “groom” na si Roque Tan sa kanyang social media account ang naging kakaiba at praktikal na ginawa nila noong araw ng kanilang kasal, at ito ay ang pagsakay nila sa “weeding cart” ng kanyang asawa, imbis na sa “wedding car” mula sa sibahan patungo sa reception ng kanilang kasal.

Photo credits: Roque B Tan | Facebook

Kalakip nga ng larawan ng kanilang wedding cart ay ang caption ni Roque Tan na;

“Our simple wedding cart”, kung saan ito umano ang ginagamit nila sa paghahanapbuhay.
“Maging kuntento lang sa mga bagay na meron ka, sontentment is happiness”

“Simple lang, sapat na, yan ang mahalaga”, dagdag pa nga nito.




Base nga sa naging caption ni Roque, walang pagsidlan ang kasiyahan nila ng araw ng kanilang kasal, at mas lalo pa ngang naging espesyal ang araw na iyon dahil naging parte nito ang kanilang “food cart” na ginamit nila bilang “wedding cart”, dahil naging malaking parte umano ito ng kanilang pamumuhay.

Photo credits: Roque B Tan | Facebook

Ayon nga sa ilang artikulo, ang wedding cart na ito na ginamit ng bagong kasal, ay ang kanilang sariling food cart, kung saan ginagamit nila ito sa kanilang hanap-buhay na pagtitinda ng balut. At para nga maging kaaya-aya itong “bridal cart” ay nilagyan lang nila ito ng dekorasyon na mga lobo na kulay lilak at puti.

Ibinahagi rin ng bagong kasal, na maging nung pre nup nila, ay mayroon din silang larawan na kinuhaan sa mismong food cart nila.

Photo credits: Roque B Tan | Facebook

Dahil sa pagiging simple, praktikal, at kontento ng bagong kasal, ay talaga namang hinangaan sila ng maraming mga netizens.

Photo credits: Roque B Tan | Facebook

Tunay nga naman na ang pagiging espesyal ng isang kasal, ay hindi kailanman nababase sa gara o bongga nito, kundi sa kung gaano kasaya, kakontento sa isa’t isa ang dalawang taong nagmamahalan at kung gaano nila panghahawakan ang pangakong kanilang binitawan sa isa’t isa.

error: Content is protected !!