Connect with us

News

Assunta De Rossi, Isinilang na ang “Miracle Baby” nila ni Jules Ledesma na 20 Years din nilang Inantay

Hindi matatawaran ang saya ng mag-asawang June Ledesma at Assunta De Rosi, ngayong naisilang na ng dating aktres ang kanilang unang anak mag-asawa na para sa kanila ay isang “miracle baby” dahil sa hindi nila inaasahang darating pa ito sa kanilang buhay mag-asawa.




Nito nga lamang umaga ng ika-23 ng Oktubre 2020 ay isinilang na ng 37-taong gulang na dating aktres na si Assunta De Rosi ang una nilang anak ng kanyang 59-taong gulang na asawa na si June Ledesma.

Ang panganay na anak nga ng mag-asawa ay isang babae, na para sa kanila ay ang kanilang Unica Hija, at ito nga ay pinangalanan nilang si Giulia Fiorentina Alessandra.

Ang masayang balita ngang ito, ay inihayag at kinumpirma ng celebrity publicist na si Jun Lalin, sa pamamagitan ng pag-post niya sa kanyang Instagram account ng ilang detalye tungkol sa naging panganganak ng dating aktres na may kalakip nangang napaka-cute na larawan ng 1st baby ni Assunta De Rosi at June Ledesma.

Base nga sa Instagram post ni Jun Lalin, si Assunta De Rosi ay nanganak via elective cesarean section, eksaktong 7:06 ng umaga noong ika-23 ng Oktubre 2020 sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Mababasa rin sa naging post ng celebrity publicist, ang kanyang naginf pag-congratulate sa mga “new parents” na sina Assunta De Rosi at June Ledesma.

“Congratulations to @assuntaledesma and @juneledesma, so happy, finally nandito na si baby Fiore.”

Samantala, matatandaan naman na noon lamang ika-5 ng Mayo ng ibahagi ng dating aktres na si Assunta De Rosi sa publiko na siya ay nagdadalang-tao na at ng mga panahong iyon ay nasa ika-14 weeks na siya ng kanyang pagbubuntis.




Batid rin ng marami sa atin na halos 18-taon ang naging paghihintay ng mag-asawang June Ledesma at Assunta De Rosi na sila ay mabiyayaan ng anak at alam din natin na ang pagkakaroon ng anak ay hindi naging madali para sa dating aktres ito ay dahil nga sa siya ay mayroong myoma.

Kaya naman ng malaman ni Assunta na siya ay buntis, ay talaga namag isang malaking biyaya ito para sa kanilang mag-asawa, at itinuring nga nila ang baby nilang ito na “miracle baby.”

Matatandaan na ang mag-asawang Assunta De Rosi at June Ledesma ay halos 18-taon ng kasal, at sila’y unang ikinasal sa isang civil wedding noong ika-24 ng Disyembre 2002, sa Negros Occidental at noong ika-14 ng Marso 2004 naman ay muli silang ikinasal sa isang engrandeng church wedding sa Forbes Park, Makati.

error: Content is protected !!