Assunta De Rossi, Excited ng Masilayan ang Kanyang “Miracle Baby” na Nalalapit na Niyang Isilang

Matatandaan na buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon, ng ihayag ng dating aktres na si Assunta De Rossi ang isang pinakamalaking biyaya na natanggap nilang mag-asawa ngayong taon, at ito nga ay ang kanyang pagbubuntis sa kabila ng pagkakaroon niya ng mayoma at endometriosis.



Ayon pa nga sa dating aktres, ay halos labing walong taon ang hinintay nila ng kanyang asawang si June Ledesma, sa pagdating ng biyayang ito sa kanila.
Sa isang Instagram post noon ni Assunta ay ibinahagi niya kung paano niya nakumpirma ang kanyang pagbubuntis, at kung ano ang kanyang mga naramdaman sa unang trimester nito.
Ayon nga sa naging pagbabahagi ni Assunta ng kanyang unang buwan ng pagbubuntis, ay noong ika-5 ng Marso ay bumisita siya sa kanyang doctor, ito ay matapos siyang hindi datnan ng kanyang monthly period.
“An ultrasound scan and blood test confirmed later that day that I was about 5 weeks pregnant. I know, shocking!”, saad noon ni Assunta.
Saad pa nga ng dating aktres, ay talagang hindi siya makapaniwala sa kanyang naging pagbubuntis, dahil sa kanyang kalagayan. Kwento pa ni Assunta, talagang hindi naging madali ang kanyang pagbubuntis, dahil pakiramdam niya noon ay lagi siyang pagod, kahit na wala naman siyang gaanong ginagawa maghapon.
Samantala, ilang buwan matapos ang naging pagsasapubliko ni Assunta ng kanyang pagbubuntis, ay muli naman itong nagbigay ng update sa kanyang Instagram.



Walang pagsidlan ang saya ng dating aktres na si Assunta De Rossi, ngayong siya’y nasa ika-9 na buwan na ng kanyang pagbubuntis, kung saan ay nalalapit na niyang isilang ang kanyang anak, na para sa kanya ay kanyang “miracle baby”.
Ibinagi nga ni Assunta De Rossi sa kanyang mga tagahanga kung gaano siya ka-excited ngayong malapit na siyang manganak, at malapit na niyang masilayan ang kanyang magiging baby.
Nitong ngang ika-14 ng Oktubre, nagbahagi muli ang 37-taong gulang na dating aktres, na si Assunta De Rossi ng isang sonogram ng kanyang “miracle baby.”
Kalakip nga ng sonogram photo na ito, ay ang caption ni Asssunta na;
“Another check-up today. Si Fiore as usual, nagtatago na naman. Naku, maldita!”
“It’s ok. Pretty soon, I’ll see her face-to-face. I’ve waited for her, for almost 20-years, ano ba naman yung ilang araw pa? I love you, my tiny bloom!”
Hindi nga lamang si Assunta ang excited sa kanyang nalalapit na pagsilang, dahil sigurado maging kanyang asawang si June Ledesma, mga kapamilya, at maging mga tagahanga niya ay siguradong inaabangan ang magiging pagsilang niya sa kanyang “Miracle Baby.”