Apo ni Dolphy na si Rowell Quizon, May Pasabog sa Tunay na Katauhan ng Dating Kinakasama ng Komedyanteng si Super Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag

Mainit na usapin ngayon sa social media ang isyu patungkol sa komedyanteng si Super Tekla at dati nitong kinakasama na si Michelle Lhor Bana-ag. Ito nga ay matapos ipa-Tulfo ni Michelle si Tekla at inakusahan ng pagmamaltrato umano nito sa kanya.




Matapos umere ang isyu sa programang Raffy Tulfo in Action, ay marami sa mga netizens ang nagbigay ng kanya-kanyang opinyon. Sa pagsasalita naman ni Michelle sa panayam sa kanya ni Idol Raffy, ay marami itong ibinabatong akusasyon sa komedyanteng si Tekla.

Hindi man nakapagsalita si Tekla sa programa upang ipagtanggol ang sarili, ay marami naman sa mga kaibigan nito ang nagpakita ng pagsuporta at ipinagtanggol pa ang komedyante kung gaano ito kabuting tao.

Isa na nga rito si Rowell Quizon, ang apo ng yumaong Comedy King na si Dolphy. Si Rowell ay kaibigan at kasamahan ni Tekla sa trabaho sa comedy bar kung kaya’t kilala umano nito si Tekla, at saksi rin ito kung anong klaseng tao si Michelle, at kung gaano ito kamahal ng komedyante.

Kamakailan nga, ay buong tapang na nagpost si Rowell sa Facebook ng mahabang mensahe upang ipagtanggol ang kanyang kaibigang si Tekla, at para ipamukha kay Michelle ang mga ginawa ng komedyante para rito.

Ayon nga kay Rowell, ay hindi na nga siya nakapagtimpi pa upang ilahad ang kanyang nalalaman. Hindi umano nito hahayaang patuloy na sirain ni Michelle ang pagkatao ni Tekla sa publiko.
Sa pagsisimula nga ng mensahe ni Rowell, ay tinawag nitong makapal ang mukha at abusado si Michelle. Ito nga ay dahil, sa kabila ng pagiging tomboy nito, ay tinanggap at minahal pa rin ito ni Tekla.




Ilang ulit rin raw na naging tagasalo ng gusot ni Michelle si Tekla, na maging ang tropa umano ng jowa nito ay dinala pa sa pinagtatrabahuan ni Tekla, at pinasagot pa ang bill ng mga order sa komedyante.
Tila nga maraming nalalaman si Rowell sa mga pinaggagawa ni Michelle upang abusohin ang komedyante. Saksi rin si Rowell, kung gaano ito kamahal ni Tekla. Sa katunayan pa nga raw, ay narinig pa niyang tinanong ni Tekla si Michelle kung ano ang nais nitong kainin pag-uwi. Taliwas sa akusasyon ni Michelle, na ginugutom umano sila ni Tekla.

Binigyang diin naman ni Rowell na isang malaking pagkakamali ang ginawang pagdulog ni Michelle sa programa ni Idol Raffy sapagkat, ang sarili lamang ang inilagay nito sa kapahamakan.

Narito ang mahabang mensahe sa Facebook post ni Rowell Quizon:

“Di na ko makapagtimpi sayo makapal mukha mo michelle. nakita ko kung gaano ka minahal ni tekla…TOMBOY ka diba? Pag may show si tekla kasama mo pa jowa mong babae nilunok ni tekla yung galit maging masaya ka lang.Pati tropa ng jowa mo na isang katutak ang inoorder sa bar makapagpasikat ka lang lahat ng order nyo unli. yung taong nagpeperform abono pa sa tf niya sa laki mg bill ng naorder nyo. Kapal ng mukha mo masyado mo mong pinasama si tekla…nakasama ko si tekla sa back stage ng klownz tumatawag siya sayo tinatanong ka kung anong gusto mong kainin after ng show niya..mahal na mahal ka ni tekla kahit abusado ka. Napakawalanghiya mo…HINDI NAGKULANG SI TEKLA SAYO O SA INYO. SADAYANG ABUSADO KA LANG. Alam mo kung san ka parteng naging bobo michelle? Nag reklamo ka na ikaw mismo ang malaglaglag sa sarili mo. very wrong ka. akala mo naka jackpot na kayo na binigyan kayo ng finacial ng ganun ganun lang. Makapal mukha mo abusado ka michelle, wala kang utang na loob.”