Aktres na si Valeen Montenegro Ikinagulat ang Naging Reaksyon ng Kaibigang si Alden Richards ng Subukan niya itong Utangan ng 1 Milyong Piso

Sabi nga nila, ang tunay na pagkakaibigan ay nasusukat sa oras ng kagipitan. Siyang tunay dahil kapag tayo ay nasa kagipitan at nangangailangan ng tulong, lumalapit tayo sa ating mga kaibigan na maaaring makapagbigay ng tulong sa atin. At dito natin masasabi kung sino talaga ang kaibigan na maaasahan kapag nasa oras ng kagipitan.




Hindi lamang sa pelikula o teleserye ang pagiging isang tunay at tapat na kaibigan ng Pambansang Bae na si Alden Richards, dahil sa totoong buhay ay sadyang napakabuting tao at tunay na kaibigan rin ang aktor.

Kamakailan nga ay marami ang pinahanga ni Alden sa ginawang prank sa kanya ng aktres at vlogger na si Valeen Montenegro. Tampok kasi sa latest vlog ni Valeen ang pangungutang niya ng pera sa aktor na kung saan ay hindi naman siya nito binigo.

Sa vlog ng kunwaring pangungutang ni Valeen ng kalahating milyon kay Alden, ay kasabwat niya ang celebrity couple na sina Lovely Abella at Benjie Manalo upang maging kapani-paniwala ang kanyang prank.

Sa unang bahagi nga ng video, mapapansin na tila kinakabahan si Valeen nang tumawag kay Alden. Ito kasi ang unang pagkakataon na magsasagawa siya ng prank sa kanyang kaibigan.
At bilang pagsisimula, ay isang magandang intro ang banat ni Valeen kay Alden. Binati muna ni Valeen ang aktor sa tagumpay na tinatamasa ngayon sa gitna ng pandemya.

“Den, sorry ha tumawag ako. Gusto ko lang mag-congrats dun sa mga kaganapan mo. Sobrang nakakatuwa. Ang galing mo atleast ngayon na may pandemic successful ka.”

Matapos nito, ay sinimulan na ngang ikwento ni Valeen ang naranasang pagsubok ngayong pandemya at kung bakit siya nagipit.

“I’ll cut to the cr@p. Kasi ‘di ba like from the start of the year nagkaroon ako ng problems with my dad and everything all the hospitalization. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako nakakabayad. Wala tayong work ngayon so nahirapan din ako with everything like rent, bills.”

Hindi na nga nagpaligoy-ligoy pa si Valeen at agad na niyang sinabi ang pakay niya sa aktor kung bakit siya tumawag.

“Ok lang ba na manghiram ako ng money sa’yo? Pero babayaran kita promise after everything is over. Baka next year.”




Noong una nga, ay isang milyong piso ay hinihiram ni Valeen kay Alden, ngunit nang marinig ito ni Alden ay tila nabigla ito at muntik ng ibababa ang tawag. Pero agad namang ibinababa ni Valeen ang halaga ng perang hinihiram na nagkakahalaga naman ng kalahating milyon. Sa pagkakataong ito ay sumang-ayon na si Alden at kinumpirma na papautangin na nga si Valeen ng kalahating milyon.

“Oh my gosh. Sure ka Alden?” saad ni Valeen.

“Oo naman. Huwag mo nalang sabihin sa iba. Tayo nalang nakakaalam,” sagot naman ni Alden sa aktres.

Hindi nga makapaniwala si Valeen at pumayag na si Alden na pautangin siya, kaya naman tuwang-tuwa ang aktres dahil sa kabutihan nito.

Ipinagpatuloy naman ni Valeen ang prank sa aktor, at nang makatiyak nga na papautangin na siya ay dito na niya sinabi na prank lamang ito.

“Sobrang bait mo Alden. I’m so sorry. IT’S A PRANK!,” pahayag ni Valeen kay Alden.

Hindi naman nakapagpigil si Valeen na ipahayag ang kanyang paghanga at respeto kay Alden bilang kaibigan. Na ayon pa kay Valeen, ay ito ang unang pagkakataon na tinawagan niya ang aktor.

“Naku! Kaya naman talaga ang Alden Richards sobrang blessed! Thank you, Alden. Alam n’yo guys, hindi ko kasi tinatawagan ‘to si Alden. Grabe totoong kaibigan.”

PRANK 101 with BENLY