Aktres na si Sue Ramirez, May Sweet Message sa Kaarawan ng Kanyang Palangga na si Javi Benitez

Nagsimulang pag-usapan ng publiko ang relasyon ng aktres na si Sue Ramirez at boyfriend nitong si Javi Benitez noong nakaraang Hunyo. Ang relasyon ng dalawa ay nakumpirma sa pamamagitan ng isang Instagram post kung saan nagbahagi si Sue ng isang sweet photo nilang dalawa. Magmula nga noon ay naging bukas na publiko ang relasyon nilang dalawa.




“Best”, ganito naman inilarawan sa isang salita ng aktres na si Sue kung anong klaseng nobyo ang kanyang boyfriend na si Javi nang makapanayam ni DJ Jhaiho noong nakaraang Agosto. Hindi nga maikakaila na talagang punong-puno ng pagmamahalan ang relasyon ng dalawa.

Ibinahagi rin ni Sue sa panayam kung ano ang nagustuhan niya sa nobyo. Ayon nga kay Sue, ay consistent umano si Javi pagdating sa kanya. At family-oriented rin daw ito at napakahaba ng pasensya kung saan ay bihirang magalit. Kaya naman, ang pakiramdam umano ni Sue tuwing kasama ang nobyo ay napaka”pretty” niya.
“And I feel safe every time na kasama ko siya,”dagdag pa ng aktres.

Walang duda na mahal na mahal ni Javi ang nobya at ang pagmamahal na ito ay pinapahalagahan naman ni Sue. At kamakailan nga, sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang nobyong si Javi ay nagpaabot ng sweet message ang aktres para rito.

Sa Instagram, ay masayang ibinahagi ng Kapamilya aktres na si Sue ang isang video clip ng sweet moments nilang dalawa habang naglalakad sa beach.
Nilakipan naman ito ni Sue ng isang napaka-sweet na mensahe kung saan ay sinabi nito na deserve ng kanyang nobyo ang lahat ng pagpapala sa buhay nito. Mababakas rin sa mensahe si Sue ang labis na pagmamahal sa kanyang nobyo.

“Happiest birthday, Palangga! You deserve all the best things in life! I love you more than you can imagine and more than you’ll ever know.”

Marami rin sa kanilang kaibigan sa showbiz ang nagpaabot ng pagbati sa kaarawan ni Javi. Isa na nga rito ang aktres na si Angelica Panganiban, na co-star ni Javi sa “Walang Hanggang Paalam”.




Matatandaan na unang nagkakilala sina Sue at Javi sa pelikulang “Alpha One Kid”. At dito nga nagsimula ang pagtitinginan nila sa isa’t isa.
Si Javi Benitez ay anak ng businessman na si Albee Benitez.

Gumagawa na rin ng sariling pangalan si Javi sa industriya ng showbiz, ngayon nga ay nasa ilalim siya ng pamamahala ng Star Magic.