Aktres na si Kris Bernal, Nagbigay ng IIang Detalye sa Magiging Plano at Disenyo ng Ipapatayo Niyang “Dream House”

Ilang buwan na lamang nga ang hihintayin at malapit na ang taon kung saan ay nakatakda ang pagpapakasal ng aktres na si Kris Bernal sa kanyang fiancée na si Perry Chui. At dahil dito, ay hindi na rin maitago ni Kris ang kanyang excitement sa pagpapalano ng magiging hitsura at disenyo ng kanyang dream house na siyang magiging tahanan nila ng kanyang magiging asawa.

At dahil din nais ng aktres na maging bahagi ng bawat masasayang parte ng kanyang buhay ang kanyang mga tagahanga, ay ibinahagi nito sa publiko ang ilang detalye tungkol sa magiging plano at disenyo na nais niya sa kanyang “dream house” na tutluyan nila ng kanyang fiancée na si Perry pagkatapos ng kanilang kasal.




Kasama naman sa pagpaplanong ito ng aktres ang kanyang ina, na si Mommy Analyn, ito ay dahil malaking parte ng buhay ni Kris ay talagang ipinagpapasalamat niya sa kanyang mommy.

Photo credits: Kris Bernal | Youtube

Ang mommy niya umano ang humawak ng kanyang pera noon at ito rin ang nag-iipon ng kanyang kinikita, ito rin ang nagturo sa kanya kung paano i-manage ng tama ang perang kanyang kinikita, kaya naman talagang siya’y nakapag-ipon at nakabili ng properties.

Photo credits: Kris Bernal | Youtube

Isa na nga sa mga properties na ito ay ang lote na kanyang nabili sa Quezon City, kung saan dito nila ipapatayo ang kanyang “dream house”.

“The lot, I bought it way back 2012 to 2014. It’s also located in Quezon City. Binili ko ‘yon, katas din ‘yon ng trabaho ko na inipon ni Mom”, saad nga ni Kris.

Photo credits: Kris Bernal | Youtube

Ang lote ngang ito na nabili ni Kris ay bunga ng kanyang kasipagan at pagsusumikap sa kanyang trabaho bilang isang artista.

Photo credits: Kris Bernal | Youtube

Ayon pa nga sa aktres, hindi niya magagawang makapgpundar ng properties, kung wala ang kanyang mommy Analyn, dahil sa ito talaga ang tumulong sa kanya sap ag-manage ng kanyang pera, at gamitin ito sa mga bagay na talaga namang mahalaga.

“Kasi of course ‘nung nagsisimula ako, si Mommy ‘yung humahawak ng pera ko kasi baka magastos ko din sa mali.”

“So, infairness naman kay Mommy, isa talaga sa mga good decisions talaga namin and good investment talaga namin itong lot na nabili namin.”

Photo credits: Kris Bernal | Youtube

Ibinahagi naman ni Kris, na pagdating sa magiging hitsura at disenyo ng kanyang magiging deam house, noong una ay ang gusto ng kanyang mommy Analyn ay maging Modern-Mediterranean house ang maging disenyo nito, ngunit kalaunan ay napagpasyahan nila na gawin na lamang itong isang Zen House Design.

Ayon nga kay Kris ay isang long horizontal frontage ang naging plano nila ng kanyang mommy, at ito ay magiging 3-palapag, kung saan ang mga ito ay ang basement, groundfloor at ang second floor.

Base sa aktres, sa basement ng kanyang dream house niya ilalagay ang kanyang office, swimming pool, lanai, theater room, play room, guest room, gym, maid’s at driver’s quarter, utility room, storage room, linen room at laundry area.

Photo credits: Kris Bernal | Youtube

Sa groudfloor naman umano makikita ang living room, dining room, foyer, clean kitchen, powder room at ang parking area.




Sa huling palapag naman ng nasabing dream house ng aktres, o ang 2nd floor ay doon umano planong ilagay ni Kris ang master’s bedroom, malawak na walk-in-closet, at tatlo pang mga bedrooms, kabilang ang magiging bedrooms ng kanyang ina, na si Mommy Analyn.

Ano ang masasabi niyo sa planong “dream house” ni Kris Bernal?

Building my DREAM HOME Getting Started (EPISODE 1) | Kris Bernal 💋