Aktor na si Carlos Agassi, Proud na Ipinakilala ang Kanyang Napakaganda at Napakaseksing Non-Showbiz Girlfriend

Unang nasilayan ang aktor na si Carlos Agassi sa Star Circle batch 3 kung saan nakasama niya ang mga kapwa artista na sina Piolo Pascual, Kaye Abad, Paolo Contis at Cheska Garcia-Kramer. Napabilang rin si Carlos sa grupo na tinawag na “The Hunks” kung saan nakasama naman niya ang mga makikisig na aktor na sina Piolo, Jericho Rosales, Diether Ocampo, at Bernard Palanca.

Photo credits: Carlos Agassi | Instagram

Maliban naman sa husay sa pag-arte ng aktor, isa rin sa hinahangaan sa kanyang talento ay ang husay niya bilang isang rapper. Sa katunayan nito, ay ilang ulit na siyang nakagawa ng sarili niyang album kung saan nakilala siya sa pangalan na “Amir the Prince of Rap.”




Gumawa nga ng sariling pangalan ang aktor hindi lamang sa larangan ng pag-arte, kundi pati na rin sa mundo ng musika. At kamakailan nga, agaw-atensyon ang aktor sa social media matapos nitong ipakilala ang babaeng nagpapatibok ng kanyang puso.

“My girl”, ganito ipinakilala sa publiko ng aktor at rapper na si Carlos Agassi ang kanyang bagong iniibig na nagbibigay kulay at saya sa buhay niya ngayon. Sa Instagram, noong ika-27 ng Setyembre, araw ng Linggo nang proud na ibinahagi ng aktor ang mga larawan niya kung saan kasama niya ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Sarina Yamamoto, na talaga namang napakaganda at napakaseksi.

Makikita sa mga larawan na sweet na sweet ang magkasintahan habang naka-pose at sakay ng mamahaling sasakyan. Makikita naman sa mga Instagram post ng magkasintahan na madalas silang magkasama. Tila nga natagpuan na ni Carlos ang tunay na kaligayahan sa piling ng kanyang non-showbiz girlfriend ngayon.

Ngunit, bago pa man matagpuan ni Carlos ang tamis ng pag-ibig sa kanyang kasalukuyang girlfriend, ay dumaan sa pagkabigo at kalungkutan ang aktor.




Matatandaan na nakarelasyon ni Carlos ang dating PBB Housemate na si Margo Midwinter, isang Filipino-British. Ngunit, matapos ang dalawang taong relasyon ay naghiwalay rin ang mga ito. Labis namang nasaktan si Carlos, dahil bago sila naghiwalay ay inalok pa nito ng kasal ang kanyang ex-girlfriend. At matapos napabalita ang kanilang paghihiwalay, ay inanunsyo naman ng aktor ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Ito nga ay dahil hindi pa umano handang lumagay sa tahimik si Margo.

Nang mga sandaling magkarelasyon pa ang dalawa, ay malayo ang pagitan ng kanilang mga edad kung saan ay halos walong taon ang agwat. Ang aktor na si Carlos ay 34 taong gulang na noon, samantalang si Margo naman ay 26 taong gulang lamang. Di hamak na mas bata si Margo kay Carlos, kung kaya’t hindi na muna nito tinanggap ang proposal ng aktor upang lumagay sa tahimik.