Entertainment
9-Taon Gulang na Bata na Nagviral Matapos nito I-celebrate ang kanyang 2 Subscribers, may 200k Subscriber na ngayon sa Youtube

Labis-labis ang pasasalamat ng 9 na taong gulang na Grade 4 student ng Bacolod, Negros Occidental na si Mary Grace Escober matapos makalikom ng 177K subscribers ang kanyang YouTube Channel.
Nagsimula ang lahat matapos magviral ang post ni Mary Grace sa Facebook kung saan ay nagdiwang kaagad ang munting bata matapos magkaroon ng 2 subscribers ang kanyang YouTube Channel.
Makikita sa naturang post ni Mary Grace ang kanyang larawan at isang cupcake na may icing na nakasulat ang 2 subs. Sinamahan rin ito ni Mary Grace ng kandila na nagsisimbolo naman ng kanyang simple ngunit masayang pagdiriwang.

Photo credits: Mary Grace Escober | Facebook
Nilakipan naman ito ni Mary Grace ng caption na, “Happy 2 subscriber. Subscribe to my channel”, kalakip ang link ng kanyang YouTube Channel.

Photo credits: Mary Grace Escober | Facebook
Matapos nga makita ng mga netizens ang kanyang post sa facebook, ay agad itong nag-viral. Marami ang natuwa sa munting selebrasyon ni Mary Grace para sa kanyang 2 subscribers kung kaya’t dumami ang nagreact at nagshare ng kanyang post.
Ang mas nakakatuwa pa rito, ay hindi rin inaasahan ang pagdami ng kanyang subscribers na mas lalong nagbigay ng saya kay Mary Grace. Hindi lamang nga isang libo kundi umaabot ng 177,000 ang bilang kaagad ng subscribers niya sa kanyang channel sa loob lamang ng isang araw.
Ayon naman kay Mary Grace, ang unang artista umano na nag-share ng kanyang post ay ang aktres na si Kiray Celis.
Matapos nga makalikom ng mahigit 100K subscribers ay muling magpost si Mary Grace ng kanyang pasasalamat sa mga taong sumusuporta sa kanya. Sa pagkakataong ito ay kasama ni Mary Grace ang kanyang mga magulang kung saan ay may hawak na lobo na bumuo ng salitang “100K”.
Isang talentadong bata si Mary Grace, sa kanyang vlog nga ay mapapanood ang kanyang pagkanta at pagsayaw. Kamakailan naman ng ibahagi ni Mary Grace sa kanyang vlog ang kanyang karanasan sa online class kung saan ay umabot na ng 50,000 views.

Photo credits: Mary Grace Escober | Youtube
Samantala, maliban naman sa pagiging vlogger, malaki rin ang pangarap ni Mary Grace na maging isang nurse. Ito nga ay upang matulungan ang kanyang pamilya at iba pang taong may sakit.
Ang mga magulang naman ni Mary Grace ay kaagapay niya sa kanyang landas na tinatahak bilang isang vlogger kung saan ay todo suporta sa kanilang anak. Kaya naman, ang kaligayahan ni Mary Grace, ay siya ring kaligayahan nila bilang magulang ng aspiring vlogger.
source: Abs-Cbn
