25-Taong Gulang na Call Center Agent, Naging Inspirasyon Matapos Makapag Pundar ng Sariling Bahay Mula sa Kanyang Pinag Paguran at Pinag Puyatan

Tunay nga naman na sa isang taong may pangarap, ay hindi magiging imposible na makamtan niya ang kanyang matagal ng hinihiling sa buhay kung ito’y kanyang pagsusumikapan at pagtatarabahuang makamtan.

Marami ang nagsasabi na ang sikreto ng pagiging isang matagumpay ng tao, ay ang pagkakaraoon ng sikap, tiyaga, determinasyon, at siyempre isa sa pinaka-importante sa lahat ay ang pagtitiwala at paniniwala sa Diyos, na ito’y kanyang ibibigay sayo.




Samantala, kamakailan lamang ay isang kwento ng inspirasyon ang muling naging viral online, ito ay ang kwento ng isang 25-taong gulang na binata na kinilalang si Sam Blanca, na talaga namang hinahangaan ng mga netizens dahil kahit siya’y 25-anyos pa lamang ay nakapagpundar na siya ng kanyang sariling bahay.

Photo credits: Sam Blanca | Facebook 

Sa facebook group nng BDO Secrret File Community, ay ibinahagi ni Sam ang kwento ng kanyang buhay na puno ng inspirasyon at tagumpay.

Ayon nga sa kwento na ibinahagi ng 25-taong gulang na binata, noong siya’y nag-aaral ng kolehiyo, ay iisa siyang working student. Kung saan habang siya’y nag-aaral ay nagtatrabaho rin siya bilang isang call center.

Ibinahagi nga ni Sam na isa sa kanyang pinagtrabahuang kumpanya noon ay ang Trec Pacific Corp, at huminto lang umano siya sa pagtatarabaho ng kinakailangan na niyang mas bigyan ng pokus ang kanyang pag-aaral dahil sa nalalapit niyang pagtatapos sa kolehiyo.




Nang makapagtapos na nga ng pag-aaral si Sam, ay muli iting bumalik sa pagtatrabaho, at nakapasok sa BPO industry bilang isang call center agent.

Photo credits: Sam Blanca | Facebook

Batid natin na para sa iba, ay sayang ang pinag-aralan kung ang magiging trabahao mo lamang ay isnag call center agent, ngunit para kay Sam, isa itong marangal at maayos na trabaho kung saan ang pagiging isang call center agent niya sa BPO, ang naging daan upang matagumpay niyang makamit ang pangarap niyang sariling bahay.

Photo credits: Sam Blanca | Facebook

Sa Facebook grouo ay ibinahagi ni Sam ang larawan ng bahay na kanyang naipundar, kalakip ang caption na;

“Katas ng BPO. Wag mong ikahiya na sa call center agent ka nagtatrabaho. Just wanna share my experiences kung ano ang naipundar ko for 4 years working in this industry. Mabuhay mga bayaning puyat.”

“Kung nagawa ‘ko, magagawa niyo rin.”

Photo credits: Sam Blanca | Facebook

Sa ngayon ay sa kompanya na ng Omega Healthcare nagtatrabaho si Sam bilang isang Quality Analyst, at ayon nga sa binata ito ay ang ika-apat na kompanya na, na kanyang pinagtrabahuan.




Ibinahagi rin ni Sam na sana, ito na ang huling kumpanya na kanyang pagtatarabahuan.