Connect with us

Entertainment

17-Taong Gulang na Dalaga Kinilala at Itinala na ng Guinness Book of World Record Bilang “Woman of Longest Leg”

Marami na ngang naitala ang Guinness Book of World Record na mga bagay na talaga namang bibihirang makita o di kaya ay hindi pangkaraniwang nakikita ng mga tao dito sa mundo.

Ilan nga sa mga naitala ng nasabing aklat ay ang isang 10-taong gulang na bata, na tinaguriang “math genius” dahil sa kaya nitong sumagot ng 196 math question sa loob lamang ng isang minuto, mayroon ring tala ang Guinness Book of World Record na “world largest mouth gape”, kung saan isang binata mula sa Pennsylvania naman ang nakakuha nito.




Marami pa ngang iba’t ibang mga world record ang naitala ng Guinness book, na kung saan ay ito ay mula sa iba’t ibang mga bansa.

At ngayon nga ay mgaroon bagong naitala na naman ang Guinness Book of World Record, at ito nga ay ang isang dalagang 17-taong gulang, na ngayon ay tinaguriang ang “Woman of Longest Leg”, o ang babaeng may pinakamahabang biyas o binti sa buong mundo.

Ang dalaga ngang ito ay kinilalang si Maci Currin, isang 17-taong gulang na teenager na mula sa Texas, USA.

Ayon nga sa naging pag-ulat ng Guinness Book of World Record, si Maci Currin ang bagong naitala na babaeng may pinakamahabang mga binti.

Base nga sa naging pagsusukat ang naturang haba ng binti ni Maci ay 135.267 cm (53.255 in) sa kaliwang binti niya at 134.3 cm (52.874 in) naman sa kanyang kanang binti.




Makikita nga sa larawan ng dalagang si Maci, ang talaga namang napakahaba niyang mga binti, kung kaya’t ang kanyang taas ay talaga namang hindi normal sa pangkariwang mga dalaga, lalo na sa mga kaedaran niya.

Isang larawan pa nga ng dalaga ang talaga namang nakakamangha, dahil sa tila kasing taas na nito ang mga puno kapag siya ay naglalakad sa labas ng kanilang tahanan.

Masasabi nga natin na sa bawat pagdaan ng araw, ay marami sa mga tala ng Guinness book of World Record ang nababago, dahil sa marami ng mga tao ang talaga namang nag-eevolve sa kanilang sariling pamamaraan.

error: Content is protected !!