Si Zsa-Zsa Padilla, ang tinaguriang Divine Diva ng showbiz ay isa sa mga pinaka-popular at sikat na mang-aawit sa ating bansa, maliban pa nga rito ay isa rin siyang magaling na aktres sa industriya.
Masasabi nga natin na sa tagal niya sa industriya, ay talaga namang ilang mga ari-arian na ang kanyang naipundar, at ang pinakabago nga sa mga ito ay ang kanyang napakagarang farm house na matatagpuan sa porbinsiya ng Lucban, Quezon.
Ang farm house na ito ni Zsa-Zsa, ay tinawag niyang “Casa Esperanza”, kung saan ay hango umano ito sa kanyang tunay na pangalan na ibinigay sa kanya ng kanyang mga magulang. Ang lupaing ito ng singer ay talaga namang napakalawak, dahil sa ito ay dalawang hektaryang lupain, at matatagpuan nga sa Barangay Piis, Lucban, Quezon.
Tila isang paraiso nga naman ang Casa Esperanza, ito ay dahil sa magandang tanawin na makikita rito.
Pagpasok pa lamang nga ng “Casa Esperanza”, ay agad ng bubungad ang isang small gravel walkway na magiging daan patungo sa kanilang pavilion.
Isa sa pinakasentro naman ng Casa Esperanza na nagbibigay ganda rito, ay ang makikitang modern-rustic farm house na may pagka-Asian ang disenyo, kung saan ayon kay Zsa-Zsa ay gawa ito ng kanyang partner sa buhay ngayon na si Conrad Onglao, isang mayaman at kilalang arkitekto.
Ang farm house nga na ito ay tila nahahawig sa mga bahay na makikita sa bansang New Zealand, dahil sa pagkakaroon nito ng black roofing system. Makikita rin na ilan sa mga ginamit na materyales dito ay recycled Yakal wood, at upang magmukhang moderno ay nilagyan ito ng mga modernong materyales tulad ng mga glass. Halos karamihan rin sa mga makikitang kagamitan rito, ay mga wooden furniture na talaga namang magaganda at malinis ang pagakakagawa.
Isa pa nga sa mga ipinagmamalaki ni Zsa-Zsa Padilla sa kanyang farm, ay ang pagkakaroon nito ng maraming mga iba’t ibang uri ng halaman, na kung saan ayon sa kanya marami sa mga ito ay mga indigenous na.
Dahil nga sa pagkakaroon ng mga malulusog at luntiang halaman sa loob ng farm, ay talaga namang napaka-relaksing dito, kung saan ay sariwang hangin ang iyong malalanghap at ang malamig na simoy nito ang didikit sa iyong balat.
Maliban sa magarang farm house, ay mayroon ding pavillon ang nasabing farm, na kung saan ay ni-request umano talaga umano ni Zsa-Zsa na magkaroon nito, dahil dito niya gagawin ang kanyang cooking vlog sa susunod.
Ang nasabing pavillon ay mayroong wrap-around na balcony, living room sa kaliwa, dining room sa kanan, small showcase kitchen, at sa gitna nito ang magiging receiving area.
Hindi rin naman maaring walang pool ang farm na ito ng singer,kaya naman ipinasilip rin ni Zsa-Zsa ang kanilang pool area na talaga namang napakalawak, dahil sa sukat nito na 5 by 25 meter.
Mayroon ding pond area ang “Casa Esperanza”, kung saan ay mayroon itong meditation center. Ayon sa singer, ang meditation center ay isang bahagi ng pool area kung saan maaari kang mag yoya, prayer o di naman ay magpa-massage.
Tunay nga naman na isang paraiso ang “Casa Esperanza”, at talagang marerelaks si Zsa-Zsa Padilla na manirahan rito, dahil sa napakaganda at nakakareks ang tanawin ang tanawin sa lugar na ito. Halos lahat rin ng pangangailangan ni Divine Divam ay nasa loob na ng bakuran ng “Casa Esperanza.”
Matatandaan na noong taong 2018, buwan ng Marso ng simulang ipatayo ng magpartner na Zsa Zsa at Conrad ang kanilang dream project house sa Lucban, Quezon.