“You can still feel beautiful and young!’: Regine Tolentino, Ibinahagi ang Sikreto ng Walang Kupas niyang Kagandahan at Kaseksihan Sa Edad na 42

Marahil marami ang nagtataka kung bakit sa edad na 42 ay nananatili pa rin ang kagandahan at kaseksihan ng aktres, TV Host at dancer na si Regine Tolentino. May tatlong anak na si Regine, at kamakailan lamang nang mapabalita ang kanyang panganganak sa kanyang bunso, ngunit tila hindi nagbabago ang katawan ni Regine na talaga namang napakaseksi parin.




Patuloy nga ang pagbigay inspirasyon ng dancer sa mga kababaihan upang mas lalo pa nilang mahalin at alagaan ang kanilang sarili. At nito lamang nakaraan, matapos ipagdiwang ni Regine ang kanyang ika-42nd Birthday, ay ibinahagi niya ang sikreto sa pananatili ng kanyang kagandahan sa kabila ng kanyang edad.

Photo credits: Regine Tolentino | Instagram

Ayon nga sa dancer, ay masaya siya na nagagawa niya parin ang mga bagay sa kabila ng kanyang edad na maging maganda. Ramdam na ramdam umano niya na batang-bata parin siya at napakaganda kahit sa mga simpleng bagay at hindi pagsusuot ng magarbong kasuotan. Malaki rin raw ang naitulong ng kanyang pag-gigym upang maging fit and seksi kung kaya’t hindi magbabago ang kanyang katawan na kung saan ay mas lalo niyang naramdaman ang angking kagandahan.

“I’m proud that I can still rock it, I can still wear things and you can still feel beautiful and young and I felt so beautiful even through simple things, not being dressed up, just like being in the gym and just saying, ‘Hey, I can lift these 50 pound weights!’ and it’s an accomplishment for me because it’s not easy to do that. It takes a while to get to a certain level. So being stronger and being fit helped me to feel more beautiful.”

Samantala, ibinahagi rin ni Regine na matapos niyang isilang ang kanyang 3rd baby ay mas naging masaya siya na ang lahat ay nasa tamang kaayusan na ngayon. At kahit nga bagong panganak, ay hindi maitago na napakaganda niya parin. Na ayon kay Regine, ang dahilan umano ay ang pagiging masaya at pagkakaroon ng pasasalamat sa lahat ng bagay. Masaya rin siya sa simpleng pamumuhay niya ngayon kung saan ay naeenjoy niya ang mga pagbabagong nagaganap sa buhay niya.

Photo credits: Regine Tolentino | Instagram

Mahalaga rin umano na magkaroon ng healthy lifestyle upang maging malakas at malusog ang pangangatawan. Malaking tulong umano lalo na sa mga kababaihan na pangalagaan ang kalusugan. Ibinahagi rin ni Regine na nasa lahi nila ang pagkakaroon ng cancer kung kaya’t doble rin ang pag-iingat na kanyang ginagawa.

“It’s important to me that I have to really live this healthy lifestyle. I see how my aunts and my parents, my uncles, and my cousins, so when I see them, sad to say, deteriorate, or their health isn’t at par, it makes me extra, extra careful. And so I really live my life in a way that I want to live long for my children and be a good role model so they can be healthy also. Nasa lahi namin yun eh so as much as possible, in every way that I can, I do the whole prevention thing, from the food to the supplements to the lifestyle.”

Photo credits: Regine Tolentino | Instagram

At ngayong panahon ng quarantine nga, ay mahalaga na wag umano nating pabayaan ang sarili lalo na ng mga kababaihan kahit pa nasa loob ng tahanan. Maliban umano sa pagkakaroon ng healthy diet, ang pag-aayos ng sarili, pag-aalaga at pagmamahal sa sarili ay napakahalagang bagay upang gumanda at huwag malosyang.




“And this is where I really emphasize self-care. Or as I like to call it, self-love. You really have to set times to take care of yourself physically, mentally, emotionally and hindi madali yun gawin. It all starts from a healthy diet, kasama na rin diyan time to fix up, dress up, maybe even put a little makeup, maybe even buy a few things para sa sarili mo.”

Photo credits: Regine Tolentino | Instagram

Isang inspirasyon nga ang hatid ni Regine sa mga kababaihan, na kung saan ay masasabi na isa siyang modelo para sa mga kababaihan upang huwag panghinaan ng loob na maging maganda kahit pa may edad na. At napakahalaga rin talaga na alagaan at mahalin ang sarili upang maging maganda at palaging masaya.