“Welcome to Our Little Farm” Ethel Booba at Boyfriend nitong si Jessie Salazar, May Nakakatuwang Challenge na Ibinahagi nila sa kanilang Vlog

Maliban sa mga social media platforms, ay nauso na rin ang mga online video-sharing platform tulad ng Youtube at Tiktok. Ang mga nasabing platforms ang nagiging libangan natin sa bawat araw na kung saan ang hatid ay mga nakakaaliw sa videos. Ang ilang celebrities nga ay may mga YouTube Channel narin kung saan nila ibinabahagi ang kanilang mga nakakaaliw na vlogs.




At sa mga vlogs na mapapanood sa kanilang mga YouTube Channel ay naghahatid ng saya sa mga manonod. Dahilan, kung kaya’t patok na patok ang mga vlogs sa publiko na kung saan ay talagang tinatangkilik ito.

Kadalasan namang tampok sa mga vlogs ang mga challenge na talagang kinaaliwan ng marami. Maraming celebrities na ang kumasa sa mga kakaibang challenge upang mabigyan ng kaligayahan ang kanilang mga tagahanga.

Katulad na lamang ng singer at komedyanteng si Ethel Booba at partner nitong si Jessie Salazar, na kumasa sa isang challenge.

Ang challenge nga na naisip gawin ni Ethel ay palakihan ng mangga challenge. Sa video na ibinahagi ng singer, mapapanood na niyaya nito ang kanyang boyfriend na si Jessie na magtungo sa kanilang “little farm” para sa gagawing challenge. Bago pa man simulan ang challenge ay ipinaliwanag muna ni Ethel sa kanyang boyfriend ang gagawin. Ito nga ay kung sino ang makakuha ng tatlong piraso ng malalaking mangga ang siyang magiging panalo.




Sa pamamagitan ng “bato-bato pick”, ay sinimulan na ang challenge kung saan ay naunang nanungkit ng mangga si Ethel gamit ang isang panungkit na gawa sa sirang hanger. Bagama’t, maraming langgam ay hindi nagpatinag sa pagkuha ng mangga ang komedyante. Matapos nga makakuha ng mangga, ay si Jessie naman ang sumunod na nanungkit ng naglalakihang mangga.
Makikita naman sa video na masayang-masaya ang dalawa sa pagkuha ng mangga. Makikita rin ang kanilang kasweetan habang ginagawa ang challenge na talagang masisilayan ang pagmamahal sa isa’t isa.

At matapos nga makakuha ng mangga pareho, ay nagpasya na silang umuwi upang malaman kung sino ang magwawagi sa naturang challenge. Nang ilabas sa bawat sisidlan ang mga nakuhang mangga, at ikumpara ang mga ito, ay nalaan na ang nanalo sa kanilang nakakatuwang challenge ay si Ethel, na may pinakamalaking hawak na mangga.

Samantala, nag-iwan naman si Jessie ng pangako sa kanilang mga tagahanga na sa susunod nilang vlog ay gagawa siya ng pagkain na gawa sa mangga. Kilala bilang isang mahusay na Chef ang boyfriend ni Ethel na si Jessie Salazar.

ETHEL BOOBA VLOG#55 Welcome to our little farm