Welcome Baby Amari! Coleen Garcia, Isinilang na ang Kanilang Napaka-Kyut at Napakalusog na Baby Boy

Ang pagsilang ng isang sanggol ang isa sa pinakamahirap, ngunit pinakamasayang eksperyensa na nararanasan ng isang babae sa kanyang buhay, ito ay dahil sa hindi nga naman madali ang magsilang dahil sa talaga namang ang sakit na iyong mararamdaman ay walang kapantay.

Ngunit sa oras nga naman na iyo ng masilayan ang sanggol na iyong iniluwal, na nagmula sa iyong sinapupunan at bunga ng pagmamahalan niyo ng iyong katuwang sa buhay ay labis labis na kaligayahan naman ang iyong madarama.

Ganitong-ganito marahil ang naramdaman ng kapapanganak lamang na celebrity mom na si Coleen Garcia, ito ay matapos niyang manganak nito lamang nakaraan ang kanilang unang anak ng kanyang asawang si Billy Crawford.

Isa nga si Coleen Garcia sa mga celebrity soon to be mommy sa mga pinaka-aabangang showbiz celebrity na manganganak sa gitna ng pandemya, kung saan ay marami sa kanyang mga kapwa celebrity at mga tagahanga nilang mag-asawa ang excited sa kanyang nalalapit ng panganganak.

Noon ngang mga nakaraang araw lamang, ay naging usap-usapan na sa social media na anumang araw ngayong buwan ng Setyembre ay iluluwal na ni Coleen ang sanggol sa kanyang sinapupunan, kung saan ay ito magiging panganay nilang anak ng kanyang asawa na si Billy Crawford.

At nito ngang araw ng Huwebes, ika-10 ng Setyembre ay masayang ibinahagi ng celebrity mommy na si Coleen Garcia na siya ay nagsilang na, kung saan ay agad naman talagang naging usap-usapan online.


Matatandaan na bago ang naging araw ng pagsilang ni Coleen, ay ibinahagi na nito sa kanyang social media account, na siya ay magsisilang lamang sa kanilang bahay, kung saan ay ang magiging proseso nito ay isang “water birth delivery”, na ang makakasama lamang niya ay midwife at isang nurse na makakatulong nito.

Ayon kay Coleen, mas pinili nila ng kanyang asawang si Billy ang prosesong ito upang mas masiguro ang kaligatasan nila ng kanyang magiging baby.
Base nga sa larawan ni Coleen na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram account noong ika-10 ng Setyembre, siya ay nagsilang na, at ang kanila ngang unang anak ng asawang si Billy ay isang malusog at kyut na baby boy.

Kalakip nga larawan ni Coleen kung saan ay karga niya ang kanyang newborn baby, habang nakababad pa sa inflatable pool kung saan siya nanganak ng “water birth delivery” ay nilakipan niya iyo ng mensahe na;

“There’s so much I wanna say,but for now, I just want to praise God for being so so good. Thank you, Lord, for our beautiful Amari!”

Base nga sa naging caption ni Coleen, ang kanilang unang anak ng asawa niyang si Billy ay tatawaging si Baby Amari.
Makikita rin sa ilang mga larawan na kuha sa oras ng panganganak ni Coleen, na hindi siya iniwan ng kanyang asawang si Billy at ito ay nanatiling naka-agapay sa kanyang tabi habang siya ay nanganganak, kung saan ay nagpapatunay kung gaano siya nito kamahal.

Matatandaan na si Coleen at Billy, ay ikinasal noong buwan ng Abril taong 2018, at noong Mayo 1 naman ng ianunsyo nilang amag-asawa na si Coleen ay limang buwan ng buntis sa kanilang magiging panganay na anak.

Noon namang ika-10 ng Hunyo, ng isang gender reveal party ang ginawa ng mag-asawa, kung saan nga nila nalaman na ang kanilang magiging unang anak ay isanng baby boy.
Congratulations sa newly parents Billy at Coleen, at Welcome baby Amari!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *