Tingnan: Throwback Photos ni Gloria Diaz , Patunay na Siya ang Maituturing na Sing-Ganda ni Liza Soberano Noon

Batid natin na ang aktrres na si Liza Soberano, ang isa sa mga pinakamagagandang mukha ngayon sa industriya ng showbiz. Hindi nga naman kataka-taka iyon, dahil sa taglay na ganda ng aktres, ay talagang masasabi na perpekto ito mula sa hugis ng kanyang mukha, mga mata, ilong at labi kaya naman talaga kahit sa ibang bansa ay hinahangaan ang angking ganda niya.
Ngunit batid niyo ba?, tulad ni Liza Soberano, ay mayroon ring isang magandang dilag noon na hinangaan ng marami dahil sa kanyang taglay na ganda at talino, at ito nga ay walang iba kung hindi si Gloria Diaz, na masasabi nating Liza Soberano ng ganda noong kanyang kabataan.

Si Gloria Maria Aspillera Diaz-Daza o mas kilala ng publiko bilang ang aktres na si Gloria Diaz, ay ang kauna-unahang Pinay na pinatunayan kung anong ganda at talino, ang kayang ibuga ng isang Pilipina pagdating sa patimpalak at pakikipagtagisan sa iba’t ibang lahi sa buong mundo.

Matatandaan na noong taong 1969, ay isang karangalan ang ibinigay ni Gloria Diaz sa Pilipinas, ito ay ng masungkit niya ang titulong Miss Universe at maiuwi sa ating bansa ang korona.
Siya nga ang kauna-unahang Pinay, na hinirang na Miss Universe, at ito nga ay dahil sa kanyang taglay na ganda at ipinakitang talino, lalo na sa pagsagot sa Q&A ng nasabing patimpalak.

Kung ating babalikan, ang naging tagumpay noon ni Gloria Diaz sa Miss Universe, ay masasabi natin na talagang para sa kanya ang korona at titulo, ito ay matapos niyang sagutin ng buong puso at diretsahan ang naging katanungan sa kanyang sa Q&A portion, kung saan ay mas napahanga niya ang marami dahil sa kanyang napakagandang kasagutan.

Narito nga ang naging katanungan noon kay Gloria Diaz, sa Q&A;

“In the next day or so, a man will land on the moon. If the man from the moon landed in your hometown, what would you do to entertain him?”
Na agad niya naman sinagot ng buong pagmamalaki ng;
“Oh, just the same things I do. I think if he has been on the moon for so long, I think when he comes over he wants to change, I guess.”

Sa naging kasagutan nga ni Gloria Diaz noon, ay hindi lamang niya ipinakita ang kanyang talino at pagiging natural, kundi ipinagmalaki rin niya kung ano ang ugaling mayroon ang mga Pinoy na talaga namang maipagmamalaki saan mang dako ng mundo.

Alam natin na tayong mga Pilipino ay kilala sa pagiging mapagpatuloy o hospitable pagdating sa pagkakaroon ng mga panauhin sa ating mga tahanan. Talaga namang lahat ng pag-aasikaso sa ating mga nagiging bisita ay ating ginagawa, upang maging kumportable sila.

Makikita naman sa soc med ni Gloria Diaz, na nagbahagi siya ng kanyang mga throwback photos, kung saan ay talagang makikita ang kanyang natural na gandang Pilipina. Masasabi rin natin na hanggang ngayon, ay alagang alaga pa rin ni Gloria Diaz ang kanyang sarili at katawan, dahil sa kabila ng kanyang pagkakaroon na ng edad, ay napakabata pa rin nitong Tingnan at ang angking kagandahan ay hindi pa rin kumukupas.

Matapos nga ang naging matagumpay na pagsungkit ni Gloria Diaz ng korona noon sa Miss Universe ay ito na ang naging daan upang mapasok niya ang industriya ng showbiz. Kaya naman ngayon ay kilala siya ng marami bilang isang Filipina actress, television host at siyempre ang kauna-unahang Pinay na naging Miss Universe.

Matatandaan naman na muling nasungkit ng Pilipinas ang koronang Miss Universe ng hirangin si Pia Wurtzbach na Miss Universe 2015, kung saan ay naging usap-usapan pa ito dahil sa pagkakamali ng host na si Steve Harvey ng una nitong i-anunsyo na si Miss Columbia ang dapat koronahan. Ngunit bago pa man maipatong ang korona kay Miss Columbia ay agad niyang binawi ang pagkakamali at dineklara nga si Miss Philippines Pia Wurtzbach bilang Miss Universe 2015.

Samantala, si Gloria Diaz ay kilala rin bilang ina ng isa sa mga kilalang aktres ngayon at maituturing din na isa sa may pinaka-magandang mukha sa showbiz na si Isabel Daza. Isa na ring lola ngayon si Gloria Diaz, ito ay dahil siya’y may apo na, kung saan ito ay anak ni Isabel.

Ano ang masasabi niyo sa taglay na ganda ni Gloria Diaz noon? Isa rin ba kayo sa magsasabi na wala pa ring kupas ang kanyang taglay na ganda?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *