Tingnan: Ryza Cenon at Miguel Cruz, Nagkaroon ng Isang Intimate Baby Shower Para sa Nalalapit na Pagsilang mg Kanilang Baby Boy

Buwan ng Hulyo ng kasalukuyang taon ng ibahagi ng aktres na si Ryza Cenon sa publiko na siya ay nagdadalang-tao na at ang ama nito ay ang kanyang nobyo na si Miguel Cruz.

Ngayon nga ay nalalapit na ang pagsilang ng aktres sa kanilang magiging anak ni Miguel, at handang handa na nga silang dalawa sa pagdating ng kanilang baby boy.Sa nalalapit na pagsilang ni Ryza, ay isang ‘Baby shower’ ang kanilang ipinagdiwang, kung saan ay dinaluhan ito ng kanilang malalapit na kaibigan at kapamilya.

Nito ngang ika-16 ng Setyembre ay ibinahagi nina Ryza at Miguel sa kanilang Instagram account, ang kanilang masasayang larawang na kuha mula sa ginanap na baby shower, para sa nalalapit na pagsilang ng kanilang magiging anak.

Sa ginanap na baby shower, ay maraming mga regalo ang natanggap ng dalawa, kung saan ang mga ito ay para sa magiging baby boy nila.
Makikita nga sa mga larawan, ang saya nina Ryza at Miguel, habang binubuksan ang mga regalo na mula sa kanilang mga kaibigan at pamilya.

Kalakip ng mga larawan na ibinagi ng aktres, ay ang mensahe niya ng pasasalamat, sa lahat ng dumalo at nagbigay ng suporta sa kanila ni Miguel.

“Thank you to all our beloved families and friends, who gave time to send their love to us and to our little baby boy. Thank you and we love you guys! ”

Samantala, maging si Miguel ay ipinarating rin ang kanyang pasasalamat sa lahat ng kanilang mga kaibigan at kapamilya ni Ryza, na walang sawang ipinararamdam sa kanila ni Ryza ang kanilang pagmamahal at suporta.

Ibinahagi rin ni Miguel, na ilang Linggo na lamang ang aantayin, at masisilayan na ng mga ito ang kanilang magiging little baby boy.

“Thank you to all, of our friends and family members who took the time to support us and sent us gifts and messages for this occasion. Me and Ryza are both extremely grateful for all of your love and support. Thanks everyone! 9 weeks to go! [a praying hand emoticon]”

Marami na nga ang talagang nae-excite sa nalalapit na pagsilang ng aktres na si Ryza Cenon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *