Soon-to-be-Mom Coleen Garcia, Naghahanda na Para sa Kanyang Nalalapit na Panganganak sa Prosesong “Water Birth at Home”

Ang pagiging isang ina, ay isang matapang na obligasyon ng kababaihan, ito ay dahil sa mula pa lamang sa pagdadalang-tao, pagsilang, hanggang sa pagpapalaki at pag-aalaga ng anak ay talaga namang masasabi natin na hindi ito ganoon kasimple o kadali.

Ngunit sa kabila nito, ay marami pa rin sa mga kababaihan ang gustong maranasan ang maging isang ina, dahil sadyang kakaibang saya nga naman ang hatid nito lalo na kapag nakarga mo na ang sanggol na iyong isinilang at nakita mo kung paano siya lumaki sa iyong magiging pag-gabay at pag-aalaga.

Katulad na lamang ng soon-to-be-mom actress na si Coleen Garcia, na excited na sa kanyang nalalapit na panganganak sa kanilang unang baby ng kanyang asawang si Billy Crawford.
Sa kanyang social media account, ay nagbahagi si Coleen ng mga bagay na kanyang nararamdaman ngayong siya ay nalalapit ng manganak. Ayon sa aktres, ngayon ay nasa 38th weeks na ang kanyang pagbubuntis, at marami na siyang napapansing pagbabago sa kanyang katawan, lalo na sa kanyang tyan.
Ibinahagi ng aktres na nakakaramdam na siya ng pananakit ng balakang at likod, tila unat na unat na rin ang kanyang tiyan, hirap na rin umano siya sa kung anong kumpotableng posisyon ang maari niyang gawin sa kanyang pagtulog.

Ayon pa sa aktres, nararamdaman na rin umano niya na sumisiksik na ang kanyang baby sa kanyang puson, kung saan ay naghahanda na ito sa nalalapit nitong paglabas.
“My body has been going through so many change, but I’ve grown to respect it so much that I look past the physical. I fully embrace it for serving a much deeper purpose.”
Para rin sa aktres, ang pagbubuntis ay talaga namang isa pinaka life-changing experience na kanyang naranasan sa kanyang buong buhay, ito ay dahil nararamdaman niya ang paglaki ng sanggol sa kanyang sinapupunan at ang ilang mga pagbabago sa kanyang katawan.

Sa nalalapit niyang panganganak ay sinabi ni Coleen na mami-miss niya ang chapter ng kanyang pagbubuntis ngunit mas excited siya sa bagong chapter kung saan ay mahahawakan at makikita na niya ang kanyang baby.

Ayon sa aktres, sa panahon man siya ng quarantine nagbuntis kung saan ay maraming mga limitasyon, ay nagpapasalamat pa rin siya dahil kahit sa kanilang tahanan lamang ay naipagdiriwang niya ang bagay na ito, lalo na ang nalalapit niyang panganganak at pagiging isang ganap na ina.
“There have been many limitations, restrictions but at least it wasn’t impossible. We still got to celebrate these milestone, maybe not in originally hoped, but we’re thankful that we even get to celebrate at all!”

Ibinahagi rin ng aktres, na dahil mas mabilis kapitan ng virus ang tulad niyang buntis o ang mga sanggol, ay talaga namang sinisigurado niya na lahat ng paraan para masigurado ang safety niya ay ginagawa niya.

Kwento pa nga ng aktres, ay hindi sila lumalabas ng asawang si Billy, kahit pa ng aba name-miss na talaga nila ang lumabas at gawin ang mga bagay na nakasanayan nila noon. Pero sabi nga “it’s better to be safe than sorry”, kaya naman talagang todo ingat sila ngayon.
Ayon din sa aktres, ay sa bahay lamang siya manganganak, kung saan ay isang midwife, nurse at doula ang kanyang makakasama, at ang nais umano niya ay isang water birth procedure na gagawin sa mismong loob ng kanilang silid mag-asawa.

Sa ilang buwan umano na pananatili nila Coleen at Billy sa kanilang tahanan dahil sa quarantine, ay naging libangan nila ang manood ng mga classes tungkol sa pregnancy, labor at maging newborn care, upang mas maging handa sila sa lahat.

Para rin sa aktres, ang kanyang asawang si Billy ay handa na maging isang ama, at magiging isang mabuti at mapagmahal na ama sa kanilang magiging anak, dahil sa nakita niya na mas lalo pa itong naging responsible sa naging pag-aalaga nito habang siya ay buntis.

“I already knew, and have always known, that Billy is going to be an amazing father. He also been a great husband through this whole pregnancy.”
Sa nalalapit ngang pagsilang ni Coleen Garcia sa kanilang unang baby ng kanyang asawang si Billy, para sa aktres ay isa ito sa pinakalamalaking biyaya na natanggap nila sa kabila ng pagkakaroon ng pandemic. Ang kanilang magiging baby rin ay ang naging pag-asa nila, upang mas maging matapang at matatag pa sa lahat ng pagsubok na ibinagay ng taong 2020 sa ating lahat.
“I’m going to tell him that he was that ray of hope that kept us going, and he’s the reason why we never had a bad day in what many consider to be a bad year.” – Coleen for his upcoming baby boy.

Makikita naman sa mga larawan ni Coleen, na sa kabila ng lalapit nitong panganganak ay mas lalo pa itong blooming, at taglay pa rin nito ang pagiging isang hot at seksi kahit na buntis.
Marami naman sa tagahanga ng mag-asawa ang excited ng masilayan ang magiging baby ng dalawa. Matatandaan na kamakailan lamang ay masayang ibinahagi ng mag-asawang Coleen at Billy na ang kanilang magiging unang anak ay isang baby boy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *