Solenn Heussaff, Ibinahagi ang kanyang Pagiging Plantmama, Nagbigay rin ng Tips sa Pag-aalaga ng mga Halaman

Dahil nga, halos anim buwan na tayong nananatili sa loob ng ating mga tahanan magmula ng magpatupad ng quarantine, ay mas nagkaroon tayo ng mas maraming oras sa mga gawaing maaring gawin sa loob ng bahay. Isa na nga rito ang pag-aalaga ng samut-saring indoor plants.




At sa panahon ng pandemya, ay nakahiligan na rin ang pangongolekta ng iba’t ibang klaseng halaman na maaaring alagaan sa loob ng bahay. Ang bansag nga sa mga taong mahilig mangolekta ng mga halaman ay “plantita, plantito” para sa mga single at “plantmama, plantpapa” naman para sa mga ina at ama ng tahanan.

Photo credits: Solenn Heusaff | Youtube Channel    

Kabilang sa tinatawag na “plantmama”, ang aktres na si Solenn Heusaff na talaga namang napakadaming alagang halaman sa loob ng kanilang tahanan. Dahil nga, hindi makalabas ng tahanan ay ito ang naging libangan ng aktres.

Photo credits: Solenn Heusaff | Youtube Channel

Sa Instagram video post, masayang ibinahagi ni Solenn ang mga indoor plants na makikita sa kanilang bahay. Nagbigay rin ang aktres ng tips sa pag-aalaga ng mga halaman at kung paano magkaroon ng sariwa at purified na hangin sa loob ng bahay.

Photo credits: Solenn Heusaff | Youtube Channel
Photo credits: Solenn Heusaff | Youtube Channel




Photo credits: Solenn Heusaff | Youtube Channel

Ayon kay Solenn ay hindi naman siya plant expert, kaya’t ang mga halamang makikita sa loob ng kanilang tahanan ay mga halaman na madaling alagaan. Bawat sulok nga ng tahanan ng aktres, ay makikita ang iba’t ibang klaseng indoor plants na nagmistulang mga disenyo upang mas lalong gumanda ang kanilang bahay.

Photo credits: Solenn Heusaff | Youtube Channel

Ilan nga sa mga halamang makikita sa loob ng kanilang napakagandang bahay ay rubber plant, snake plant, jade plant, spider plant, money plant, palm tree at marami pang iba.

Photo credits: Solenn Heusaff | Youtube Channel
Photo credits: Solenn Heusaff | Youtube Channel

Ibinahagi naman ni Solenn ang kanyang mga ginagawa upang mapanatiling buhay ang mga halaman. Inaalagaan nga ng mga ito ni Solenn sa pamamagitan ng paraang sapat lang na makakuha ito ng liwanag na nagmumula sa sikat ng araw. Nililinis at inaalis rin ng aktres ang mga dry leaves sa pamamagitan ng paggupit sa mga dahon. Inilalabas rin niya ang mga halaman sa labas ng bahay upang paarawan. At higit sa lahat ay dinidiligan niya ng once a week at ang ilang halaman naman ay once a month.

Photo credits: Solenn Heusaff | Youtube Channel




Samantala, maliban sa mga halamang nakakatulong upang ma-purify ang hangin, isa rin sa inirekomenda ng aktres, ay ang paggamit ng “Wellis Air Disinfection Purifier”, na maliit lamang at sakto ang laki upang ilagay sa naisin niyang lugar. Malaki umano ang naitutulong nito hindi lamang para magkaroon ng malinis at sariwang hangin, kundi nakamamatay rin ito ng bacteria at mga virus. Maganda rin ito para sa mga may baby, dahil ligtas ito sa mga baby at nakakaalis din umano ito ng masangsang na amoy.

Photo credits: Solenn Heusaff | Youtube Channel

Samantala, ipinaliwanag rin ni Solenn kung paano gamitin ang naturang air purifier, maging ang mga palatandaan kapag malinis na ang hangin sa kapaligiran.

The Plant Momma Life + Other Air Purifying Tips! | Solenn Heussaff