Singer at Vlogger na si Donnalyn Bartolome, Naging Emosyunal sa House Tour ng kanilang Dating Bahay na Ngayon ay Ibebenta na

Patok na patok nga ngayon sa mga celebrities at mga vlogger ang pagkakaroon ng house tour sa naglalakihan at naggagandan nilang mga tahanan. Sa bawat pasilip nga nila sa kanilang tahanan ay talaga namang namamangha tayo at nagkakaroon tayo ng ideya patungkol sa mga magagandang disenyo ng mga bahay.

Samantala, sa dami ng mga vlogger na nagsagawa ng house tour ay napabilang na rin dito ang singer at vlogger na si Donnalyn Bartolome. Ngunit, sa tinagal-tagal ng paninirahan ni Donna sa kanilang napakagandang bahay, ay kamakailan lamang niya naisipang mag-house tour kung kailan naman ibebenta na ng kanyang pamilya ang naturang bahay. Ito nga ay ibebenta na dahil nagpasya si Donnalyn na sundan ang kanyang pamilya sa ibang bansa upang doon manirahan.




Sa house tour ni Donna ay masaya niyang ipinakita ang bawat bahagi ng kanilang napakagandang bahay. Bagama’t wala na ang mga kagamitan sa bahay dahil nga inalis na ang mga ito para ibenta ay makikita parin na napakaganda nito.

Magmula sa garahe, garden, swimming pool, balcony at bawat silid ay inilibot ni Donna ang kanyang mga tagahanga. Sa garahe nga ay kasya ang dalawang sasakyan. Kahanga-hanga naman ang ganda ng swimming pool, lalo na kung titingnan ito mula sa itaas ng kanilang bahay.

Photo credits: Donnalyn Bartolome | Youtube

Ang kitchen area ay ipinasilip rin ni Donna, maging ang dirty kitchen ay masaya rin niyang ipinakita.

Photo credits: Donnalyn Bartolome | Youtube




Photo credits: Donnalyn Bartolome | Youtube

Sa rooftop naman ng kanilang tahanan, masisilayan ang napakagandang view, at madadama rin ang sariwang hangin na hatid ng mga puno sa kapaligiran.

Photo credits: Donnalyn Bartolome | Youtube

Ang kanilang napakalaking bahay ay may apat na silid, isa ang nasa unang palapag samantalang tatlo naman sa ikalawang palapag kabilang na rito ang Master’s bedroom. Ang Master’s bedroom ay may napakalawak na espasyo kung saan may sariling banyo at may walk-in closet pa. Ipinakita rin ni Donna ang kanyang silid na kahit ito’y bakante na, at tanging higaan at mga kabinet na lamang ang makikita ay masisilayan parin ang ganda nito.

Photo credits: Donnalyn Bartolome | Youtube

Samantala, sa pagtatapos naman ng vlog ni Donna ay hindi nito napigilang maging emosyunal. Dahil nga, mahabang panahon rin siyang nanirahan rito kasama ang kanyang pamilya kung saan bumuo sila ng masasayang alaala, ay naiyak si Donna dahil mamimiss na niya ang bawat sandaling pamamalagi niya rito.

Ito naman ang unang pagkakataong nasilayan niya ang bahay na wala ang makukulit at malalambing na batang palagi niyang kasama sa kanilang tahanan. Nagpaalam at pinasalamatan rin ng vlogger ang kanilang bahay na nagsilbi nilang tirahan ng ilang taon.

“Maybe because it’s my first time seeing the house again without the kids. I miss them so much… Ba-bye sa bahay na ‘to, thank you, thank you for sheltering us.”

A HOUSE TOUR THAT WILL MAKE YOU LAUGH AND CRY :(