Isang masayang kaarawan ang ipinagdiwang ng beauty queen at aktres na si Pia Wurtzbach sa London. Ito ay matapos siyang surpresahin ng kanyang pamilya at nobyong si Jeremy Jauncey ng isang “surprise Birthday Party”, na ginanap lamang sa loob ng kanilang tahanan.
Nito ngang ika-21 ng Setyembre 2020, ay nagdiwang ng kanyang ika-31 kaarawan ang beauty queen actress na si Pia Wurtzbach.
At dahil nasa London ngayon si Pia, ay kasama niyang nagdiwang ng kanyang kaarawan ang kanyang pamilya at kasintahang si Jeremy.
Sa naging pagdiriwang nga ng kaarawan ni Pia, ay isang intimate surprise birthday party, ang inihanda para sa kanya ng kanyang pamilya, at ang nag-organized nito ay ang kanyang kapatid na si Sarah Wurtzbach.
Ibinahagi naman ni Pia, sa kanyang Instagram account ang mga larawan na kuha mula sa napakasayang surprise birthday party na pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
“Photos from this weekend, [smiley emoji] And a special appreciation post for my sister @sarahwurtzbach who made this surprise birthday set-up. Made with love.”
Ang naging saad nga ni Pia sa kanyang latest post sa kanyang Instagram account, kalakip ang mga larawan na kuha sa kanyang kaarawan.
Matatandaan na lumipad patungong United Kingdom si Pia noong July kung saan naroon ang kanyang pamilya at nobyo, ito ay matapos ang pagkakaroon ng home quarantine dito sa Pilipinas ng magsimula ang lockdown noong March.
Makikita naman sa Instagram account ng nobyo ni Pia, na si Jeremy na noong ika-24 ng Setyembre 2020, ay nagbahagi ito ng mga paborito niyang larawan nila ng kasintahan , at kalakip nito ay ang caption na;
“On this special day I wanted to share some of my most treasured memories over the last year with @piawurtzbach to wish her a very happy birthday and remind her how much she means to me. I hope these photos give you an insight into our relationship. I love you baby, happy birthday!”
Unang kinumpirma ng magkasintahang Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey, ang kanilang relasyon noong buwan ng Hunyo, kung saan ay magkasama sila sa isang cover pictorial para sa isang kilalang magazine.