Silipin ang Napakagandang Bahay ng Pamilya ng Dating Aktres na si Michelle Madrigal na Matatagpuan sa Amerika

Ang dating aktres na si Michelle Madrigal ay una nating nasilayan sa reality talent show na Star Circle Quest noong 2004. Magmula nga sa pagiging kalahok ng naturang kompetisyo, ay naging isang mahusay siyang aktres dahil sa kanyang taglay na talento.



Maliban naman sa pagiging isang mahusay na aktres, marami rin ang humanga kay Michelle dahil sa kanyang napakagandang mukha at sexy body figure, kaya naman, naging cover girl pa siya ng FHM na talaga namang kitang-kita ang kanyang kaseksihan.

Samantala, matapos namang iwan ni Michelle ang showbiz, ay natagpuan naman niya ang masayang buhay sa piling ng kanyang asawang si Troy Woolfolk na isang American Football player at unica hija nilang anak na si Anika.

Ngayon nga, ay masayang naninirahan ang kanilang pamilya sa Austin, Texas, sa kanilang napakaganda at napakalawak na tahanan. Ayon nga kay Michelle, ay hindi niya lubos maisip na matapos ang mga pagsubok at hirap na naranasan niya sa buhay, ay kanya ring makakamtam at malalasap ang masayang buhay sa piling ng kanyang asawa’t anak.

“I was so broken and I wasn’t sure if I could ever love again. I still clearly remember the nights crying and praying to God to heal me. I know God has always had my back because then, I met you. I knew you were the right one because I prayed hard for you. You’ve shown me what a real relationship should be like. You make me feel secure in every part of our relationship,”



Kamakailan nga, ibinahagi ng dating aktres ang kanilang masayang buhay sa Texas at ipinasilip sa kanyang vlog ang ganda ng kanilang bahay na may simple at modernong disenyo.

Pagbukas nga ng pinto ng kanilang bahay ay may bubungad agad na isang money tree na ayon sa dating aktres ay nagbibigay sa kanila ng swerte.

Ang kanilang malawak na tahanan ay may 4 bedrooms, ngunit ang isang silid ay ginawa nilang office area kung saam sila nagtatrabahong mag-asawa. Ang office area nga ay matatagpuan sa kaliwang bahagi ng tahanan.
Sa living room naman ay madadatnan ang isang 70 inches flat screen TV. Mas lalo naman maeenjoy ang panonood ng pelikula sa mapalad na TV kapag nakahiga o nakaupo sa kanilang malambot na white massive couch.
Samantala, ang master’s bedroom, guest room at silid ng kanilang anak na si Anika ay ipinakita rin ni Michelle.

Masisilayan nga sa bawat silid ang kasimplihan, na ayon naman sa dating aktres, ay hindi pa siya tapos maglagay ng dekorasyon. Humingi rin si Michelle ng suhestiyon sa kanyang mga tagahanga kung ano ang magandang ilagay sa pader ng bawat silid.





Maging ang garahe na ginawa namang gym nilang mag-asawa ay ipinakita rin Michelle. May malawak ring bakuran ang kanilang tahanan, at ayon nga kay Michelle ay balak nila itong palagyan ng swimming pool balang-araw.
Kapansin-pansin naman na kahit may anak na, ay napanatili parin ni Michelle na fit and sexy ang kanyang katawan. Ito nga ay dahil sa pag-wowork out kasama ang kanyang asawa sa kanilang gym sa kanilang tahanan.

Our House Tour! | Michelle Madrigal