Silipin ang Napakaganda at Nakakarelax na 5-storey Beach House ng Aktor na si Enrique Gil na Matatagpuan sa Anilao Batangas

Ang Kapamilya aktor na si Enrique Gil ay isa sa pinakasikat na artista sa industriya ng showbiz. Taglay ni Enrique ang magandang katangian na hinahanap ng mga kababaihan katulad na lamang ng gwapong mukha at makisig na pangangatawan. Maliban rito, ay kahanga-hanga rin ang angking talento ng aktor sa pag-arte. Kaya naman, ang mga proyekto ay bumuhos sa kanyang karera.

Mas lalo namang sumikat ang aktor dahil sa nakakakilig na tambalan nila ng kanyang real-life girlfriend na si Liza Soberano na talaga namang bagay na bagay sa isa’t isa. Sa mahabang panahon na pag-aartista ay nakapag-ipon at nakapagpundar na rin si Enrique ng iba’t ibang properties. Ang bawat salapi nga na kanyang kinikita sa trabaho ay inilalaan niya sa tama.



Isa nga sa ipinagmamalaki ng aktor sa kanyang mga property ay ang napakaganda at napakalaking beach house na matatagpuan sa Anilao, Batangas. Ang beach house na ito ay matagal ng pangarap ng aktor, at noong 2014 nga, ay sinimulan na ang pagpapagawa ng beach house. At noong taong 2016, ay naisakatuparan na nga ang kanilang pangarap na beach house, isang 5-storey beach house na may nakakamangha sa laki at ganda ng disenyo.

Photo credits: Enrique Gil | Youtube Channel     

Sa kanyang vlog ay naitampok na ni Enrique ang tour sa kanyang beach house, kung saan nakasama niya ang kanyang kapatid na si Andie sa pagto-tour.

Photo credits: Enrique Gil | Youtube Channel

Sa first floor ay agad na masisilayan ang entertainment area. Dito nga makikita ang mga kagamitan na pang sports tulad ng Crystal kayak, wakeboard, water skis, sea scooters at shuffleboard. May pool table, air hockey table, maging mini basketball court na tulad ng nasa arcade ay meron din sila.

Photo credits: Enrique Gil | Youtube Channel
Photo credits: Enrique Gil | Youtube Channel



Photo credits: Enrique Gil | Youtube Channel

Sa second floor naman matatagpuan ang living room, kitchen area at ang pool na talagang may nakakamanghang tanawin. Ang paborito naman nilang lugar sa naturang palapag ay ang kusina, dahil nga sa napakasarap ng luto ng kanyang ina.

Photo credits: Enrique Gil | Youtube Channel

Sa 3rd floor at 4th floor naman makikita ang mga bedrooms at jacuzzi area. Masaya ngang ipinakita nina Enrique ang bawat silid. Ang kanyang silid at bathroom, maging ang silid ng kanyang kapatid. Ang guest room ay may napakalawak na espasyo. May nakalaan ring silid para sa mga couple. Tiyak naman na mag-eenjoy at makakapag-relax sa jacuzzi habang nakatanaw sa magandang kapaligiran.

Photo credits: Enrique Gil | Youtube Channel

Sa 5th floor naman ng kanilang beach house ay ang nagsisilbing rooftop. Dito nga madalas magbonding ang kanilang pamilya. Pagsapit naman ng gabi ay talagang nakakamangha sa ganda ang hatid na tanawin ng mga bituin sa kalangitan. Sa araw naman, ay hindi ka rin bibiguin ng magandang tanawin na hatid naman ng malawak na karagatan.

OUR DREAM BEACH HOUSE TOUR l The Gil Side

StarStudio - Enrique Gil (Behind-The-Scenes)