Silipin ang Masayang Gender Reveal Party ng Kakambal ni Jinkee Pacquiao na si Janet Jamora at Asawa nitong si Steven Jumalon para sa Kanilang 3rd Baby

Hindi naman talaga matatawaran ang kaligayahan ng mga magulang sa pagkakaroon ng biyayang sanggol sa kanilang pamilya. Isa ngang biyayang maituturing ang pagdating ng mga munting anghel sa pamilya na magbibigay saya at ligaya sa mga taong nasa loob ng tahanan.

Napakalapad nga ng kambal ni Jinkee Pacquiao na si Janet Jamora at asawa nitong si Steven Jumalon dahil ang kanilang pamilya ay muling madadagdan ng isa pang miyembro sa nalalapit na pagsilang ni Janet sa kanilang 3rd baby.




At bilang bahagi nga ng kanilang milestone bilang magulang sa nalalapit na pagdating ng kanilang munting anghel, ay nagsagawa ang mag-asawang Janet at Steven ng isang gender reveal party noong ika-8 ng Setyembre, araw ng Martes na ginanap sa General Santos City.

Sa isang Instagram post ay masayang ibinahagi ni Janet ang isang video kung saan makikita ang pagputok ng kanyang asawa sa hawak niyang lobo. At ang lobo nga ay naglalaman ng kulay asul na confetti, nangangahulugan nga nito na isang baby boy ang dinadala sa sinapupunan ni Janet kung saan ay malapit na nilang masilayan.

“Gender reveal today. It’s a boy!”,

caption ni Janet sa kanyang post.




Samantala, nagbahagi rin si Jinkee sa kanyang Instagram ng mga larawan na kuha sa venue ng party kung saan ay dinaluhan ng kanilang mga malalapit na kaibigan at pamilya. Ibinahagi nga ni Jinkee ang mga magagandang dekorasyon na ginamit sa venue. Masayang-masaya naman ang bawat isa sa bagong biyayang dumating sa buhay nina Janet at kanyang asawa.

Matatandaan na ikinasal ang kambal ni Jinkee na si Janet, at ex-Pinoy Big Brother: Double Up housemate na si Steven Jumalon, noong Pebrero 2016. Ito nga ay ginanap sa pamamagitan ng isnag beach wedding sa Isla Jardin sa Glan, Saranggani Province. Biniyayaan naman ng dalawang anak ang kanilang pagsama-sama, ito nga ay sina Raymond at Ella. At noong July nga, ay masayang inanunsiyo ng mag-asawa na si Janet ay nagdadalantao sa pangatlo nilang anak.

At sa nalalapit na pagdating ng kanilang 3rd baby sa kanilang pamilya ay tiyak na mas lalong magiging masaya ang loob ng kanilang tahanan. Talaga nga namang walang kapantay na kaligayahan ang hatid sa kanila ng pagkakaroon ng isa pang baby boy. Hindi rin maitatanggi na ngayon pa lang ay excited na ang mag-asawa na masilayan ang kanilang anak.