‘She’s the best’: Matteo Guidicelli, Proud na ibinahagi ang mga Cake na Ginawa ng kanyang Asawang si Sarah G para Sakanya

Marami nga ang kilig na kilig sa ka-sweetan sa isa’t isa ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Magmula nang magsama matapos ang kanilang secret wedding noong Pebrero na ginanap sa Taguig ay mas lalo pa nilang minahal ang isa’t isa.




Matapos nga ang halos anim na taong relasyon bilang magkasintahan, ay hindi pa rin makapaniwala si Matteo na makakasama na niya habang buhay ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo. At bilang asawa ni Sarah, ay proud na proud si Matteo kay Sarah, hindi lamang sa pagiging propesyunal nito sa trabaho kundi bilang isang mapagmahal na asawa at maasikasong maybahay.

Photo credits: matteog | Instagram

At kamakailan nga, muli na namang pinakilig ng mag-asawa ang kanilang mga tagahanga, matapos magbahagi ni Matteo ng isang post kung saan labis nitong ipinagmamalaki ang baking skills ng kanyang asawa.

Ika-17 ng Setyembre, Huwebes, nang ibahagi ni Matteo sa kanyang Instagram ang larawan ng lemon blueberry buttermilk cake na talagang nakakatakam sa sarap. Ito nga ay gawa ni Sarah na ipinagmalaki ni Matteo sa kanilang mga tagahanga na ang naturang cake umano ay “will blow your mind,”dahil sa sobrang sarap. Samantala, nilakipan naman ito ni Matteo ng hashtag na “#ShesTheBest”, na kung saan ay hindi maikakaila ang pagka-proud sa kanyang asawa.

“My wife’s Lemon Blueberry Buttermilk cake will blow your mind. #shesthebest”

Matatandaan naman na hindi ito ang unang pagkakataon na ipinagmalaki ni Matteo ang baking skills ng kanyang asawa. Dahil noong nakaraang Hulyo lamang ay minsan nang ibahagi ni Matteo sa Instagram, ang gawang Japanese souffle cheesecake ni Sarah at nilakipan naman ng hashtag na #proudhusband.

Samantala, natutunan naman ni Sarah ang kanyang kahanga-hangang baking skills nang mag-aral siya sa isang cooking school na matatagpuan sa San Juan noong 2016.




Ito ang Center for Asian Culinary Studies kung saan nakasama niya at sabay grumaduate sina Judy Ann Santos at Pia Wurtzbach.

At ngayon nga, ang mga natutunan ni Sarah sa culinary, ay siya naman niyang ipinapamalas sa kanyang asawang si Matteo upang pagsilbihan at ibigay ang nais nito. Na kung saan ay talagang proud na proud kay Sarah bilang kanyang asawa.