Silipin ang Napakalawak na Sweet Spring Country Farm ni Kiko Pangilinan at Mega Star Sharon Cuneta sa Alfonso, Cavite

Si Megastar Sharon Cuneta at asawa nitong Senador na si Francis “Kiko” Pangilinan ay isa sa kinikilalang pinakamayamang mag-asawa sa bansa. Hindi naman talaga maikakaila ang mga ari-ariang naipundar ng mag-asawa na bunga ng kanilang pagsisikap. Isa na nga sa ipinagmamalaki ng mag-asawa ay ang napakalawak at napakalaking farm na matatagpuan sa Alfonso, Cavite.

Ito nga ang farm na mismong si Megastar ang nagpangalan ng Sweet Spring Country farm. Ang Sweet Spring Country Farm ay may lawak na tatlong ektarya kung saan makikita ang iba’t ibang klase ng pananim.

Photo credits: Sharon Cuneta Network | Youtube Channel

Ang asawa ng Megastar na si Kiko Pangilinan, maliban sa pagiging abala sa paglilingkod sa bayan, ay malaki rin ang hilig sa pagtatanim. At sa napakalaki at lawak nilang farm, ay organic farming ang kaniyang ginagamit upang manatiling sariwa at masustansiya ang mga produktong kanilang aanihin. Ang bawat ani nga nilang gulay ay makakatiyak na walang halong kemikal.

Photo credits: Sharon Cuneta Network | Youtube Channel

Samantala, minsan nang naitampok sa YouTube Channel ni Sharon na “Sharon Cuneta Network”, ang napakaganda at napakalaki nilang farm na ito. Ngunit, sa vlog na ito Megastar ay nakasama nila ng kanyang asawa sa paglilibot sa buong farm ang mag-partner na sina Zsazsa Padilla at Conrad Onglao.

Photo credits: Sharon Cuneta Network | Youtube Channel

Makikita nga na talagang enjoy na enjoy ang bawat isa sa paglilibot sa Sweet Spring Country Farm habang nakatanaw sa mga luntiang kapaligiran. Nakakarelax rin sa farm dahil sa sariwang hanging hatid ng kalikasan.

Photo credits: Sharon Cuneta Network | Youtube Channel
Photo credits: Sharon Cuneta Network | Youtube Channel

Samantala, habang abala sa paglalakad sa paroroonang bahagi ng farm, makikita na ipinapaliwag ng mabuti ni Sen.Kiko ang mga detalye sa kanilang farm. Kabilang na nga rito, kung ano-anu ang ginagawa nila upang mapanatililing sariwa ang mga gulay at kung pano nila itong inaalagaan. Dahil nga sa pagkahilig sa farming nina Sen. Kiko at Conrad, ay makikita na magkasundong-magkasundo ito habang nag-uusap. At sina ZsaZsa at Sharon ay enjoy na enjoy rin habang tinitingnan ang mga pananim sa malawak na farm.

Photo credits: Sharon Cuneta Network | Youtube Channel

Dinala rin ng mag-asawang Sharon at Kiko sina ZsaZsa sa mga nursery ng farm kung saan inaalagaan ang mga patubong pananim na inihahanda na para ilipat sa mismo nilang taniman.

Photo credits: Sharon Cuneta Network | Youtube Channel

Dahil nga sa lawak ng farm, ay hindi nakapagtataka na marami rin ang kanilang mga itinatanim na gulay, at ang mga produkto ngang ito ay masustansiya na kung saan ay walang halong anumang kemikal. Ang Sweet Spring Country Farm, ay tumatanggap rin ng mga bisita sa mga nais pumasyal upang masilayan ang ganda ng mga pananim.

Hinihikayat rin ni Kiko, lalo na ang mga kabataan na matutong magtanim gamit ang organic farming.

Photo credits: Sharon Cuneta Network | Youtube Channel

Kahanga-hanga naman talaga ang mag-asawang Sharon at Kiko, hindi lamang bilang mga personalidad sa showbiz, kundi bilang mga taong mapagmahal sa kalikasan at sa farming na mas nais magkaroon ng organic farming upang mapanatiling malusog at masustansiya ang mga pananim.

Part 1: With my ZsaZsa and her Conrad at our farm today! Such a wonderful time!

Part 2: With my ZsaZsa and her Conrad at our farm today. What a wonderful time we had!

Part 3: With my ZsaZsa and her Conrad at our farm today. What a FUN time we had!