‘Pechay from our backyard garden to the Kitchen’: Richard Gomez, Ipinakita ang Pagluluto ng Pechay Guisado na ang Sangkap na Pechay ay mula sa kanyang Garden

‘Pechay from our backyard garden to the kitchen’, ito nga ang naging caption ng Mayor ng Ormoc City na si Richard Gomez sa kanyang vlog patungkol sa masarap niyang lutong Pechay Guisado na ang sangkap na Pechay ay nagmula sa kanyang backyard garden.

Hindi naman maikakaila na ang pagdating ng krisis na dulot ng pandemya sa ating bansa ay nagturo sa atin ng isang mahalagang aral. Ito nga ang pagiging madiskarte upang mapagtagumpayan natin ang matinding hamon ng buhay na ating kinakaharap sa gitna ng krisis.




Isa nga sa itinuturing na diskarte ng ilan upang makaraos sa araw-araw habang nakikipagsapalaran sa pandemya ay ang pagkakaroon ng vegetable garden sa ating mga bakuran. Malaking tulong nga naman talaga kapag may mga gulay sa ating bakuran, na pipitasin lamang ang bunga kapag kinakailangan na natin ng sangkap sa pagluluto. Bukod nga sa nakakatipid, ay makakatiyak rin na masustansiya ang gulay na ating aanihin at pagkain na ihahain natin sa ating pamilya.

Isa nga sa nagkaroon ng vegetable garden sa kanilang bakuran ay ang Mayor ng Ormoc City na si Richard Gomez na kung saan ay hindi lamang malusog kundi masusustansiya rin ang kanyang mga pananim na gulay.

Photo credits: Richard Gomez | Youtube Channel

Sa kanyang vlog, ay proud na ipinakita ng Mayor ang kanyang mayayabong na pananim na Pechay na makikita lamang sa kanilang bakuran. Madami na ang dahon ng pechay na naani ni Richard, ngunit makikita na madami pang naiwang Pechay sa kanyang hardin.

Photo credits: Richard Gomez | Youtube Channel




Photo credits: Richard Gomez | Youtube Channel

At ang Pechay na mula sa kanyang backyard garden at diretso nang iniluto sa kusina ni Richard. Masayang ipinakita ni Richard ang bawat hakbang sa pagluluto ng Pechay, at ang naisip niyang putahe ay Pechay Guisado. Magmula sa paghuhugas ng mayayabong na dahon ng Pechay, hanggang sa paghiwa ng mga sangkap at pagluto ay masayang ibinahagi ng Mayor sa kanyang mga viewers.

Photo credits: Richard Gomez | Youtube Channel

Mapapansin rin na ang ilang sangkap sa kanyang masarap na luto tulad ng kamatis ay nagmula rin sa kanyang garden. At nang maluto na nga ang Pechay Guisado, ay makikita sa reaksyon ni Richard na talagang napakasarap nito.

Photo credits: Richard Gomez | Youtube Channel

Tunay nga na mahalagang may munting hardin ng mga pananim na gulay sa bakuran upang mapagkunan ng mga sangkap na maaaring iluto diretso sa kusina. Napakalaking tulong upang makatipid sa gastos at makakain ng masustansiyang gulay ang pamilya.

Pechay from our backyard garden to the kitchen