Pauleen Luna-Sotto, Ibinahagi na Hindi niya Ramdam ang 35 Taong Age Gap nila ng Asawang si Bossing Vic Sotto

“Age doesn’t matter”, ito nga ang madalas nating marinig pagdating sa usaping pag-ibig. Siyang tunay sapagkat marami na ang nagpatunay na kailanman ay hindi naging hadlang ang agwat ng edad sa dalawang pusong nagmamahalan. Kapag nga ipinaglaban ng dalawang puso ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa, ay tiyak na makakamtam ang tamis ng pag-ibig at hindi alintana ang agwat ng edad ng bawat isa.




Patunay na nga riyan ang mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto, na halos 35 taon ang gap ng kanilang edad sa isa’t isa. Ngunit, dahil ipinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan at hindi bumitaw sa anumang pagsubok ay napagtagumpayan nila ang mga hamon na kaakibat ng kanilang relasyon. At ngayon nga, ay masaya silang nagsasama kasama ang kanilang anak na si Baby Tali.

Samantala, nang makapanayam si Pauleen sa programa ni Luchi Cruz Valdez sa TV5 kamakailan, at tanungin patungkol sa age gap nila ni Bossing Vic, ay hindi nakapagbigay ng maayos na kasagutan si Pauleen dahil hindi niya umano nararamdaman ang “age gap” na meron sila.

“She asked me “How do you deal with the age gap?” I wasn’t able to give a good answer because I honestly do not feel the “gap” that we have.”

Kaya naman, idinaan ni Pauleen ang kanyang kasagutan sa Instagram, nang mapagtanto ang karapat-dapat na sagot sa katanungan. Ayon nga kay Pauleen, dahil umano sa labis na pagmamahal ni Bossing sa kanya at pagbibigay ng seguridad sa kanilang relasyon, at higit sa lahat ay ang respeto nito sa kanya bilang asawa ang dahilan kung bakit hindi niya ramdam ang age gap nila.




“My husband loves me very much and gives me a certain kind of confidence and security about our relationship but I think the thing I love most about him is the amount of respect he gives me.”

Photo credits: Pauleen Luna | Instagram

Dagdag pa ni Pauleen, mahalaga umano sa isang relasyon ang may respeto sa isa’t isa. Bilang asawa umano ni Bossing, ay iginagalang nito ang kanyang mga desisyon lalo na sa pagpapaunlad sa sarili. Kaya naman tila magkaedad lang sila sa paraan kung paano siya itrato ng asawa.

“Never did I hear my husband raise his voice and felt like I was younger and didn’t matter. I always felt validated. I always feel important around him. Respect plays a big role in any relationship.”

Pagtatapos naman ni Pauleen sa kanyang paliwanag, ay sinabi nito na alam niya sa sarili niya na ang respeto nga at pagmamahal ng asawa sa kanya ang dahilan kung bakit napakasaya at kulay ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Hindi naman maitatanggi na marami ang nakaka-relate sa relasyon nina Pauleen at Bossing, na tulad nila ay handang ipaglaban ang pagmamahalan sa kabila ng agwat ng edad upang madama ang tamis na pag-ibig.