Patrick Garcia, Sinurpresa ng kanyang Asawa at mga Anak sa Pagdiriwang ng kanyang Ika-39th Birthday

Ang aktor na si Patrick Garcia ay una nating nasilayan sa pelikulang “Separada” noong 1994 sa edad na 13 taong gulang. Hanggang sa tuluyan nang madiskubre ang kanyang natatanging talento sa pag-arte. Sa tulong nga ng kanyang ate na si Chesca Garcia, ay nakumbinsi siyang tuluyang pasokin ang showbiz. At magmula nga noong taong 1996 hanggang taong 2018 ay ipinamalas ng aktor ang kanyang husay sa pag-arte bilang isang artista.

Matatandaan naman na nagkaroon ng relasyon ang aktor sa Kapuso Actress na si Jennylyn Mercado, na kung saan ang kanilang pagmamhalan ay nagbunga ng isang anak na lalaki na nagngangalang Alex Jazz na ipinanganak noong August 16, 2008. Ngunit, sa kasamaang palad ay nauwi sa paghihiwalay ang kanilang relasyon.



Matapos ang ilang taon, ay muling umibig si Patrick, at natagpuan ang kaligayahan sa kanyang asawa ngayon na si Nikka Martinez. Ikinasal ang dalawa noong March 15, 2015 na kung saan ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng tatlong magagandang anak na sina Michelle Celeste, Nicola Patrice, at Francisca Pia.

Photo credits: nikkamgarcia | Instagram

Makikita naman na talagang napakapalad ng aktor sa kanyang pamilya na mahal na mahal siya bilang haligi ng kanilang tahanan. Nito lamang September 14, araw ng Lunes, ay labis ang kaligayahan ng aktor matapos siyang surpresahin ng kanyang mag-iina sa pagdiriwang ng kanyang 39th Birthday.

Nakatanggap nga si Patrick ng lobo at cake mula sa kanyang pamilya. Bagama’t simple ang kanilang naging pagdiriwang sa loob ng kanilang tahanan, masisilayan naman sa mga ngiti ng aktor ang labis na kaligayahan at pasasalamat sa munting surpresa ng kanyang pamilya.

Sa Instagram, ay masayang ibinahagi ng aktor ang larawan ng kanyang pamilya, at nilakipan ito ng caption na may pagpapasalamat sa kanyang mag-iina.

“Thank you to my ❤’s for surprising me today! I love you all so much.”

Samantala, ang asawa naman niyang si Nikka ay nagpost rin ng isang sweet message para sa kaarawan ni Patrick. Kalakip naman ng post ni Nikka ay larawan ng kanilang pamilya, na kuha sa pagdiriwang ng kaarawan ng aktor sa kanilang tahanan.

“WE LOVE YOU PAT! …more than you can ever imagine!”

Sa hiwalay naman na post ni Nikka ng pagbati sa kaarawan ng asawa, mababakas ang kanyang labis na pagmamahal at pasasalamat rito. Ayon nga kay Nikka, ay si Patrick umano ang pinakamagandang biyayang natanggap niya mula sa Panginoon. Nilakipan naman ito ni Nikka ng larawan ni Patrick na talaga namang kitang-kita ang kagwapuhan nito.



“I LOVE YOU SO MUCH!!! You are God’s best for me and I am so blessed to have you! You make me the happiest girl, love!!! THANK YOU!!! Today is all about YOU so sit back, relax and enjoy your special day! HAPPIEST BIRTHDAY baby.”

Happy Birthday Patrick!