New Celebrity Baby: Kilalanin si Baby Enola Mithi, Ang Napakaganda at Napakacute na Anak ng Magkasintahang si Carlo Aquino at Trina Candaza

Ang aktor na si Carlo Aquino ay isa sa itinuturing na heartthrob industriya ng showbiz. Bukod nga sa husay at galing nito sa pag-arte, ay kahanga-hanga rin ang angking kagwapuhan ng aktor. Hindi nakakapagtaka na tinitilian at kinakikiligan siya ng maraming kababaihan at kanyang mga tagahanga.

Ngunit, noong nakaraang taon buwan ng Oktubre ay nalungkot ang ilan sa kanyang mga tahahanga, nang mpabalita na may nagmamay-ari na sa kanyang puso matapos kumpirmahin ng aktor na siya ay “in a relationship” na sa kanyang napakagandang kasintahan na si Trina Candaza na isang modelo.




At noong ika-13 ng Setyembre, ay marami rin nagulat sa pagsilang ni Trina sa kanilang panganay na anak na si Baby Enola Mithi na sadyang may napakaamo at napakacute na mukha. Matapos nga ang isang linggo, ika-20 ng Setyembre, ay masayang ibinahagi ng magkasintahan sa kanilang Instagram account ang malapitang kuha ng larawan ni Baby Enola.

Makikita nga sa larawan ni Baby Enola, na tulad ng kanyang mga magulang ay napakaganda rin nito. Hindi naman maikakaila na ang maamong mukha ni Baby Enola ay talaga namang maikukumpara sa isang anghel. Hindi maitatanggi na isa ngang celebrity baby ang panganay na anak na ito ni Carlo na talagang namana ang magandang katangian nila ni Trina.

Dahil nga kamakailan lamang nalaman ng publiko ang pagbubuntis ni Trina, ay marami ang nag-iisip na nais umanong itago ni Carlo sa publiko ang kanyang anak. At ito nga ay mariing itinanggi ng aktor sa panayam sa kanya ng ABS-CBN at sinabi:

“It was a blessing. Why would you hide such a great blessing and happiness in your life? I didn’t post it for others. I posted it because I wanted to. Tina and I wanted to share our happiness.”





Sa pagdating nga ni Baby Enola sa kanilang buhay, ay hindi maikakaila na talagang kakaibang kaligayahan ang hatid nito sa kanila. Makikita rin sa mga Instagram post ni Carlo na isa siyang hands-on dad kay Baby Enola na kung saan ay talagang alagang-alaga at mahal na mahal ang kanyang anak.

Samantala, bilang isang celebrity baby, tulad ng mga anak ng sikat na personalidad sa showbiz gaya nina John Prats, Cheska Kramer, at Vicky Belo na may sariling Instagram account, ay ginawan na rin nina Carlo at Trina ang kanilang Baby Enola ng sarili nitong Instagram account noong September 12, araw bago pa man ito isilang.

At ngayon nga, ay marami na ang tagahanga at followers ni Baby Enola na talaga namang napakacute at napakagandang baby.