Napakalaki at Napakagandang Bahay ni John Estrada na may Sariling Golf Course, Tampok sa Nakakatuwang Vlog House Raid ni Master Long Mejia

Sino nga ba ang hindi matutuwa sa mga banat na jokes ng komedyanteng si Long Mejia? Talaga namang mapapahalakhak ang sinuman kapag narinig na ang kanyang mga jokes. Isa nga si Long Mejia o kilala rin sa tawag na Master Long Mejia, sa hinahangaang komedyante sa showbiz. Ngunit, maliban naman sa pagiging komedyante ay isa na rin siyang vlogger na naghahatid ng saya sa mga manonood.

At kamakailan nga ay tampok sa kanyang nakakatuwang vlog ang house raid sa bahay ng kanyang kaibigan na isang mahusay na aktor sa showbiz na si John Estrada. Matalik na magkaibigan sina Master Long at John na nagkasama sa sitcom na “Everybody Hapi”.

Nagsimula si John sa pagiging artista noong dekada 90, at hanggang ngayon nga ay kilalang-kilala parin siya ng publiko. Hindi lamang sa taglay na katangian bilang magandang lalaki, kundi pati na rin ang kanyang husay sa comedy at drama. Sa loob nga ng mahabang panahong pananatili sa showbiz, ay hindi nakapagtataka na nakapagpundar siya ng isang bahay, na bukod sa napakalaki at napakaganda ay may sariling golf course pa.

Photo credits: Long Meijiah | Youtube Channel




Photo credits: Long Meijiah | Youtube Channel

Ang napakalaking bahay nga ni John na matatagpuan sa Cavite na may sariling golf course, ay na-house raid ng komedyanteng si Master Long kamakailan at itinampok sa kanyang vlog na talagang nakakatuwa at goodvibes ang hatid sa mga manonood.

Mapapanood nga sa video, na talagang hangang-hanga si Master Long sa ganda at laki ng bahay ni John. Pagpasok pa lang sa bakuran ng bahay ni John, ay sasalubong na ang mga mamahaling sasakyan ng aktor.

Photo credits: Long Meijiah | Youtube Channel

Pagpasok naman sa loob ng tahanan ni John, ay talagang nakakamangha ang lawak at laki nito. Sa living room nga, masisilayan ang maaliwas na lugar na sadyang napakalinis rin.

Photo credits: Long Meijiah | Youtube Channel

Samantala, ang bahay ni John ay may modernong disenyo at halos napapalibutan ng salamin. May swimming pool rin ang napakagandang bahay ni John. Ngunit, ang mas lalong nagpamangha kay Master Long na maipagmamalaki sa bahay ni John, ay ang napakalawak nitong sariling Golf Course.

Photo credits: Long Meijiah | Youtube Channel




Photo credits: Long Meijiah | Youtube Channel

Makikita naman sa vlog ni Master Long na talagang enjoy na enjoy silang magkaibigan habang nag-uusap at nililibot ang bawat bahagi ng tahanan ni John.

Photo credits: Long Meijiah | Youtube Channel

Sa napakalaki at napakagandang bahay na bunga ng pagsisikap ni John sa showbiz ay masayang naninirahan ang aktor kasama ang asawa nitong beauty queen na si Priscilla Meirelles.

Photo credits: Long Meijiah | Youtube Channel

Ikinasal ang dalawa noong February 26, 2011 kung saan ay biniyayaan ng isang napakagandang anak na nagngangalang Anechka.

Master Long Mejia Raids John Estrada's House with Golf Course!! | Grabeee ang Gandaaa!!!